Ni: Ana Paula A. Canua
NAIS mo ba mapanatili ang kalinisan sa katawan ng hindi gumagastos ng malaki? Narito ang do-it-yourself sugar wax para maging hairless at flawless sa mabilis na paraan.
Ingredients
- 2 kutsarang lemon juice
- 1 tasang asukal (puti o washed)
- 2 kutsarang tubig
- Non-GMO cornstarch o pulbo
Mga kagamitan na kakailanganin
- Maliit na kawali
- mangkok
- tela na 5 inches x 6 inches o mas malaki pa ng kaunti.
Paghahanda:
- Pagsamasahahin ang lemon juice, asukal, at tubig sa maliit na kawali, initin sa katamtamanang apoy.
- Pagkakulo, hinaan ang apoy at kapag ito ay naging malapot at kulay caramel na ibig sabihin puwede na itong isalin sa mangkok.
- Habang hinihintay na lumamig ang sugar wax. Linisin at exfoliate ang bahagi ng kawatan na tatanggalan ng buhok.
- Siguraduhin na tuyo ang balat. Budburan ng cornstarch o pulbo ang balat para ‘di gaanong masakit habang inaalis ang wax.
- Ipahid ang sugar wax sa direksyon ng tubo ng buhok
- Ipatong agad and tela sa ibabaw nito.
- Hintayin hanggang sa dumikit ang tela sa
- ‘Pag natuyo na maaari na hilayin ang tela.
- Mabilis na hilain ito salungat sa tubo ng buhok.
- Pagkatapos maalis ang buhok,punasan ito ng maligamgam na tubig. At pahiran ng moisturizing cream o lotion.
- Takpan at ilagay sa refrigerator ang natirang sugar wax. Kung muling gagamitin, painitin muna ito.