PINAS

Isang lalaki sa QC, nahaharap sa patong-patong na kaso dahil sa pagpapaputok ng baril at nakabiktima ng isang lola

Ni: Jimmy Mendoza

NAHAHARAP ngayon sa patong-patong na kaso ang lalake matapos magpaputok ng baril at tamaan ng bala ang isang lola sa Quezon City.

Humihimas na ng rehas na bakal sa QCPD Station 10 ang suspek na si Edmund Barber ,nasa wastong taong gulang na itinuturong nagpaputok ng hindi mabatid na kalibreng baril at minalas na tumama sa binte ng  80 anyos na lola habang ito ay naglalakad sa Cubao, Quezon City.

Agad naman naisugod sa  East Ave Medical Center ang lola.

Ayon kay QCPD Station Comander Col. Christian De La Cruz, ang suspek ang tinuturo ng mga testigo na siyang nakitang nagpaputong ng baril at tamaan ng ligaw na bala ang 80 anyos na lola na ngayon ay nanatili pa sa naturang pagamutan.