IPINAKITA ni Jasmine Alkhaldi ang mga napanalunan niyang medalya mula sa Kuala Lumpur SEA games.
Ni: Ana Paula A. Canua
ISANG aksidente ang nagtulak kay Jasmine Alkhaldi upang madiskubre niya ang kanyang pangarap, ito ang pambihirang kwento ng isang atleta.
“I was 3 years old and sort of ambled into a swimming pool not knowing the danger,” kwento ni Jasmine noong malagay sa panganib ang kanyang buhay. Matapos masagip sa pagkakalunod, pinagalitan at napagsabihan si Jasmine ng kanyang mga magulang dahil sa ginawang kapahamakan.
Nagbunsod din ang aksidenteng iyon upang ipadala sa swimming lessons ang paslit, ito ay kahit noong una at natatakot siya muling lumusong sa tubig. Natatandaan pa niya ang sinabi ng magulang noong araw na ayaw na niyang tumalon muli sa tubig, “Go conquer your fear,” sabi ng kanyang mga magulang.
Hindi inakala ni Jasmine na sa isang kapahamakan pala magsisimula ng kanyang paglusong upang mangarap.
Dalawang dekada makalipas, lumaban sa pangalawang pagkakataon si Jasmine sa Rio Olympics, ito ay kasunod ng kanyang pagkapanalo sa Southeast Asian Games, kung saan nasisid niya ang 8 bronze medals.
Ang kanyang husay sa paglangoy din ang nagdala sa kanya upang magkaroon ng Athletic Scholarship sa University of Hawaii.
Hindi na masama mula sa isang batang nalunod matapos tumalon sa swimming pool.
NAKAHILIGAN ANG SPORTS
Pinanganak sa Paranaque, Manila si Jasmine. Saudi Arabian ang kanyang ama na si Mohammed Alkhaldi, samantalang ‘Pinay naman ang kanyang ina na si Susan Paler. Pangalawa siya sa tatlong magkakapatid na sina Sarah Alkhaldi, panganay at si Fahad Alkhaldi, ang kanilang bunso.
“No one really pushed me to do sports. I just really love the water and was very competitive from a very young age. Both my parents don’t compete in any sports,it is only my younger brother who pursued swimming together with myself,” pahayag ni Jasmine.
Nag-aral sa International Christian Academy sa Paranaque si Jasmine at noong high school student naman siya sa Trace College siya nagtapos at naging bahagi ng Junior National Team si Jasmine noong nasa high school siya. Noon din siya nakilala si Christel Simms, isang Filipino-American na kinatawan ng bansa sa 2008 Beijing Olympics dahil sa potensyal ni Jasmine sa larangan ng swimming.
Noong mga panahong iyon nag-aaral sa University of Hawaii si Simms na siyang naglapit sa coach nitong si Victor Wales upang mag-scout at kunin si Jasmine na bahagi ng unibersidad.
“My first international swim meet when I was 11 years old and that was in Japan. I continued training hard and competing and made my first ever SEA Games at the age of 16, then two years later, I was awarded a college scholarship at the University of Hawaii.”
Bukod sa pagiging abala sa swimming practice at kumpetisyon, seryoso din si Jasmine na magtagumpay sa kursong napili na ‘International Business’, “I think I am just as proud of that alongside anything I have won,” dagdag niya.
“The Olympics is a massive step up from college competition and the SEA Games. I was overwhelmed and starry-eyed too in meeting Ryan Lochte and Michael Phelps. I also had my picture take with Kevin Durant and Lebron James. It was my first Olympic experience in London but not my first time to represent the country. It was truly a surreal moment, to be able to be there with the best of the best and to know that you have accomplished something great, that not a lot of people get to experience it just mind blowing. But it is an accomplishment to swim in London.”
Kasalukuyang naghahanda si Jasmine sa mga kumpetisyon sa ibang bansa pati na rin ang darating na Winter Olympics, nais niya na habang bata pa siya ay mahasa niya ang potensyal sa paglangoy.
Dumarami na rin ang nakakapansin sa galing ng atleta dahil ngayon ay mayroon na siyang advertisement offers sa bansa.
Sinong mag-aakala na sa pagkakamali magsisimula ang pangarap at tagumpay ni Jasmine.
MALALIM NA PAGMAMAHAL SA SWIMMING
Nang tanungin kung ano-ano ang nagbibigay ng saya at lakas ng loob kay Jasmine ang sagot niya, “There are so many things that motivate me. My family, coaches, teammates but as of now my biggest motivation is myself.”
“I have rekindled my love and passion for swimming in the last couple of years with the help of my coach, Jennifer Buffin, and that is also another thing that keeps me going even when sometimes it gets hard. For me to be able to surpass my best is what pushes me. I love working hard and I love swimming fast – I enjoy pushing myself everyday to be the best I can,”pagpapatuloy niya.
Sa simula pa lamang mahal na ni Jasmine ang tubig, ito ay kahit pa noong una ay hindi pa alam ang kapahamakang maaaring idulot nito sa kanya, ngunit noong maglaon matapos ang pagsasanay at karanasan nahasa at naging mahusay siya sa napiling larangan.