PINAS

Jennylyn Mercado, ang haba-haba ng hair para kay Dennis Trillo

Ni: Wally Peralta
ALAGANG-alaga ng Kapuso Network ang showbiz karir ng kanilang GMA Primetime Drama King na si Dennis Trillo. Lagi itong may bagong handog para sa kanyang mga avid supporters and televiewers. From fantaserye na “Encantadia” ay sabak naman agad, and take note first offering ngayong taon na teleserye ng Siete, sa isang light comedy romance na  “The One That Got Away” kung saan ay makakasama ni Dennis Trillo sina Lovi Poe, Max Collins and Rhian Ramos. First time para kay Dennis na gumawa ng isang teleserye na may tatlo siyang leading ladies at pawang nagseseksihan at magaganda. Ano naman kaya ang masasabi rito ni Dennis?

“Hindi lang tatlo, apat pa, ha ha ha,” ang masayang bungad ni Dennis

“Ang kapareha ko, sina Lovi Poe, Rhian Ramos, Max Collins as my past girlfriends, at si Sophie Albert as my current one.”

“Nacha-challenge ako pag kasama sila, kailangan ko talaga ang extra effort. Ang seseksi kasi nila, so kailangan maging sexy rin ako, Ha ha ha.”

 

Walang itatapon

Hindi naman puwedeng maging apat ang kanyang leading lady, kailangan may isang matitira sa apat na ito sa pagtatapos ng istorya, sino kaya sa palagay ni Dennis ang kanyang magiging happy ending sa tatlo?

“Naku, mahirap pumili. They’re all beautiful, talented, at lahat mababait. Kung puede nga lang, silang tatlo na lang. I will just leave it to the scriptwriters kung sino sa characters ng tatlong girls ang pipiliin nilang maging mas bagay kay Liam.”

Bukod kasi sa nabanggit na katangian ni Dennis para sa mga leading ladies niya ay nakasama na rin nman niya ang mga ito sa ibang proyekto kung kaya hindi naging mahirap sa actor na mag-adjust sa 3 leading ladies.

“Si Rhian kasi nakasama ko na sa pelikula, si Max hindi ko pa nakakasama pero sa comedy show na “Bubble Gang” ay nakasama ko na siya, guests kami roon, si Lovi naman ilan beses ko na rin nakasama sa movies.”

“Kaya nga ba thankful ako sa GMA-7 na binigyan nila ako ng isang proyekto na magkasama-sama kami, at bukod pa sa ibang klaseng tema ng aming show, galing kasi ako sa fantasy series, ang “Encantadia” tapos ngayon light romantic comedy naman.”

 

Nanghihinayang..

At dahilan na rin sa tema ng kanyang bagong serye na tila mapaglaro si Dennis pagdating sa pag-ibig, sa tunay na buhay kaya, may mga naging karelasyon kaya ang actor na medyo pinagsisihan niya kung bakit niya ‘pinakawalan’?

“Parang wala? Ganun!”

“Parang wala naman akong pinagsisihan na relasyon, may pinanghinayangan, yung ‘nakawala’, kaya lang naniniwala kasi ako sa kasabihan na pag ‘hindi para sayo, hindi talaga magiging kayo’.”

 

Bonding with the family…

Sa ngayon ang status ng buhay ni Dennis pagdating sa lovelife ay #happy in relationship, sa kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado. Kitang-kita sa kanilang mga larawan sa kanya-kanyang social media accounts ang patunay ng kanilang ‘malalim’ na pagmamahalan at samahan.

Tulad na lang nitong nakaraang Kapaskuhan, si Jen at si Dennis ay kapwa nakipagbonding sa kanya-kanyang pamilya. Proud na proud pa ngang pinost ito ng kanyang girlfriend sa social media. Ano kaya ang say ni Dennis sa proudness ng kanyang love sa kanilang relasyon?

“Siyempre, nakakatuwa!”

“Siguro ganun talaga pag proud ka sa isang bagay. Hindi ka mahihiya na i-share ito para ipakita o makita ng mga tao.”

“Ung happiness, ba, yun ang importante. Kung saan ka masaya, doon ka.”

“Pagdating naman kasi sa closeness namin sa aming mga pamilya, mabubuting mga tao naman kasi ang mga member ng pamilya ni Jen, kaya hindi mahirap na mapalapit ka sa kanila at mahalin sila.”

“Vice versa rin naman, maging si Jen naman ay mahal ng pamilya ko at close na close rin siya sa mga ito.”

 

Closeness sa anak

Bukod sa mga pamilya ni Dennis, close din ba si Calix, anak ni Dennis sa former beauty queen na si Carlene Aguilar?

“Oo, alam niya. Kasi nakikita niya happy naman ako,”

“Tita Jen nga ang tawag ni Calix kay Jen. Si Calix kasi ay matalinong bata. Feeling ko, advanced yung utak niya para sa age niya.”

“Siguro dahil marami siyang iba’t ibang nakakasama, madaling mag-absorb ang utak niya ng information. Mas mabilis naiintindihan ang ganong bagay.”

 

Wedding bell soon

Sa takbo ng pangyayari tila kasal na lang ang kulang kina Dennis at Jennylyn? Nasa wastong edad na rin naman sila pareho, si Dennis ay 37 years old samantalang 31 years old na rin naman si Jennylyn, kailan naman kaya ang kasalan ng dalawa?

“Darating din yun, malalaman din naman ng mga tao pag nangyari na iyon.

Pag tapos na, ha ha ha , biro lang.”

“Seriously, unti-unti pinaplano pero may kanya-kanya pa rin kasi kaming mga priorities na dapat namin asikasuhin.”

“Feeling ko, hindi maganda kung ipe-pressure namin yung sarili namin. Para at least, kung mangyari man yun, pareho naming ginusto, hindi pinilit or na-pressure dahil ganun yung nangyayari at nauuso sa mga nakikita ko.”

“Ang importante mag-enjoy kayo sa present para mas maging malinaw sa ‘yo ang future.”

“Yes, we are not getting any younger pero habang tumatanda naman ang isang tao o relasyon ay mas marami kang matututunan. Mas nagiging matino ang pag-iisip mo habang nagma-matured ang isang tao.”