Ni: Ana Paula A. Canua
“There really are places in the heart you don’t even know exist until you love a child.” – Anne Lamott, nonfiction writer.
ITO marahil ang pagpapatunay na walang makasusukat sa pagmamahal na kayang ibigay ng isang magulang para sa kanyang anak. Ngunit para sa pag-ibig na handa nating ibigay, ano nga ba ang sapat para sa mga bagay na hindi masukat?
Lahat tayo dumaan sa pagkabata. Unang natutuhan ang tama sa mali. Mula sa mga simpleng umaga lumilipas at bumibilis ang panahon. Nagiging mahaba ang gabi, mabilis ang umaga at malalaman mo na mas mahirap pala ang magtrabaho kaysa maging laging taya sa patintero.
Unti-unti sa ating paglaki, lumalawak ang ating pang-unawa, natutong makisalamuha at makipagkapwa-tao. Lumalaki ang ating mundo at nagiging abala. Ngunit, sa lahat ng pagbabagong ito, nanatili pa rin tayong anak sa ating mga magulang. Gaano man kalayo ang ating narating o kung gaano man tayo kasigurado na kaya na nating tumayo sa ating mga sariling paa ay hindi maikakaila na ang ating unang hakbang ay utang natin sa kanila—ganito kahalaga ang ginagampanang tungkulin ng magulang sa pagpapalaki ng kanyang anak.
Sa paglipas ng panahon nagbago na ang paraan ng pagpapalaki ng anak, kung noon option ang corporal punishment o ang pagbubuhat ng kamay sa anak kapag ito ay nagiging pasaway, ngayon ay mayroon ng bago at iba’t ibang istilo para disiplinahin ang anak. Nariyan ang ‘time-out’ o ang pagpapa-upo sa bata sa sulok hanggang sa kumalma o tumigil ito sa pag-iyak o ang consequence rule kung saan sinasanay ang bata sa consequence ng kanilang aksyon, halimbawa pupunta kayo sa parke ngunit natagalan sa paghahanda ang inyong anak dahil sa panonood ng TV, ang consequence nito, mababawasan ang oras niya sa paglalaro sa park.
Bilang role model at guro
Sa kabuuan, malaki ang ginagampanan ng magulang bilang role model at unang guro. Sa kanilang paglaki tayo ang ginagaya nila, katulad ng unang pagkakataon nilang magsalita. Natuto silang bumigkas sa pamamagitan ng pagsunod sa ating sinasabi—“mama” o “papa”.
Isang tagumpay nga kung maituturing na sabihin nila na ang kanilang ama’t ina ang first at best teacher at role model nila.
Sa kanilang paglaki, unti-unti ring ginagaya nila hindi lang kung paano tayo magsalita, kung di kung paano natin ipakita ang ating emosyon at i-handle ang sitwasyon. Halimbawa, kung karaniwang sumisigaw ang magulang sa kanilang anak, sa paglabas ng anak makakalakihan niya na sigawan din ang kinaiinisan niya. Kung palabiro at masayahin naman ang tahanan na kanyang nakasanayan, sa kanyang paglabas magiging positibo at palakaibigan ang pakikitungo niya sa palaruan o paaralan.
Para madisiplina ang anak, ang magulang ang kailangan unang magpakita nito.
Narito ang limang basic na paraan upang mabuting makaapekto sa anak.
- Ipakita ang kahulugan ng respeto.
Ayon kay Laurence Steinberg sa kanyang libro na ‘The Ten Basic Principles of Good Parenting’ . “The best way to get respectful treatment from your child is to treat him respectfully”. “You should give your child the same courtesies you would give to anyone else. Speak to him politely. Respect his opinion. Pay attention when he is speaking to you. Treat him kindly. Try to please him when you can. Children treat others the way their parents treat them. Your relationship with your child is the foundation for her relationships with others.”
- Bigyang pansin ang mabubuting katangian ng anak.
Ang simpleng pagpuri kapag may nakitang mabuting katangian gaya ng pagtulong sa kapwa, paglilinis ng kagamitan, at pagsisipag sa pag-aaral ay makatutulong ng malaki sa paghuhubog sa mabuting pagkatao ng anak, ayon sa kalusugan ph.
- Turuan ang bata sa kahalagahan ng malusog at malinis na pangangatawan.
Katulad nang nauna nabanggit, ginagaya ng bata ang inyong kaugalian, kung paano at ano ang kinakain niyo. Kung gaano kayo katagal manood o mag-cellphone o kung malinis ba kayo sa inyong pangangatawan.
- Maging involved sa buhay ng anak, ayon pa rin sa libro ni Steinberg.
“Being an involved parent takes time and is hard work, and it often means rethinking and rearranging your priorities. It frequently means sacrificing what you want to do for what your child needs to do. Be there mentally as well as physically.”
Being involved does not mean doing a child’s homework — or correcting it. ‘Homework is a tool for teachers to know whether the child is learning or not,’ “If you do the homework, you’re not letting the teacher know what the child is learning.”
- Baguhin ang parenting style habang lumalaki ang bata. Ayon kay Steinberg,
“Keep pace with your child’s development. Your child is growing up. Consider how age is affecting the child’s behavior.” Mahalaga na buguhin ang paraan ng pagdidisiplina at pakikipag-usap sa anak upang sa gayon masabayan pa rin ang pagbabagong nagyayari sa sa kanilang buhay, at manatiling malapit ang inyong ‘gap’ bilang magulang at anak.
I-develop ang talento ng bata. Ano man ang hilig niya, sumayaw, mag-drawing o magkwento. Hikayatin ang anak na magdiskubre ng kanyang mga hilig—mga bagay na may kabuluhan at nagpapapasaya sa kanya. Sa pamamagitan nito, sa kanilang paglaki madadala nila ang galing at bait na pinaramdam natin.