Ni: Jonnalyn Cortez
SA kakatapos lamang na pasko at bagong taon, paniguradong marami sa atin ang sinamantala ang pagkakataong kumain ng marami. Kaya naman kung nasimulan mo na muli ang mag-diet at mag-exercise, samahan mo na rin ‘yan ng pag de-detoxify. Ang pag-de-detoxify ay nakatutulong upang matanggal ang mga toxins at dumi sa ating katawan. Kaya naman, ito ang limang simpleng paraan para mag detox.
- Uminom ng maraming tubig
Isa sa mga simple, madali, at murang paraan ng pag-de-detox, ngunit laging hindi nabibigyang pansin, ang pag-inom ng tubig. Sa katunayan, ang tubig ang pinaka-pundasyon ng detoxification. Katulad nga ng laging sinasabi, ugaliing uminom ng walang baso ng tubig isang araw. Maari ding subukan ang lemon water.
- Iwasan ang fatty at junk foods
Ito na siguro ang pinaka-mahirap gawin sa pag de-detox. Dahil kailangang ilabas ang toxins sa katawan, kailangan munang umiwas sa mga pagkaing matatamis, processed, refined, mga alcoholic drinks, dairy, saturated, gluten, at caffeine.
- Mag exercise
Sa pamamagitan ng pagpapapawis at pagiging active mapapanatili nito ang katawan sa magandang kondisyon.
- Iwasan munang lumabas
Dahil kailangang umiwas sa mga pagkaing nabanggit at alcoholic drinks, maaring umiwas muna sa paglabas upang maisagawa ito ng maayos. Sa pamamagitan nito, makakapag-save ka din ng pera at makakatulog ng maaga.
- Magpahinga at matulog
Ang tamag pagtulog ay may magandang naidudulot sa ating katawan. Alam mo bang habang ika’y tulog pino-process at nine-neutralize ng iyong katawan ang toxins at pinaka-epektibo ito tuwing alas-dyes ng gabi hanggang alas-dos ng umaga? Naglalabas din ito ng mga hormones na magsasaayos ng iyong tissues at mga bagong healthy cells. Ugaliing matulog ng pito hanggang walong oras gabi-gabi.