PINAS

Mag-ingat sa mga nag-aalok ng trabaho patungong Russia—POEA

Pinas News

NAGBABALA ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) laban sa illegal recruiters na nag-aalok ng trabaho sa bansang Russia.

Sa advisory ng POEA, walang visa category sa Russia para sa household service workers.

Ayon sa ahensya, saradong market ang Russia para sa Filipino Household Service Workers.

Tinukoy din ng POEA ang report mula sa philippine embassy sa Athens, Greece, kung saan maraming Pinoy household workers sa Hong Kong, Singapore at Middle East ang naging biktima ng scam.

Naglabas ng advisory ang POEA matapos makatanggap ng mga ulat kaugnay ng dumaraming kaso ng illegal recruitment ng mga OFWs para sa deployment sa Russia.