Ni: Ana Paula A. Canua
Ang pagbibigay ng galang ay katumbas ng pagbibigay-respeto sa lahat ng tao, lalong-lalo na sa mga nakatatanda. Nakatatak na sa ating kultura ang paggamit ng ‘po’ at ‘opo’, pagmamano at pagbigay ng lubos na pang-unawa sa ating lolo’t lola pati na rin sa ating mga tito’t tita , ngunit paano naman bibigyan ng galang ang iyong mga kakikila lamang at hindi mo naman kamag-anak?
- Maging mabait at maunawain, sa lahat ng iyong nakikilala o kahit nakakasabay. Ang pag-aalok ng upuan sa matatanda kapag kayo ay nakasakay sa ‘public transportation’. Isipin kung paano kayo makatutulong sa maliliit na bagay. Kung ikaw ay pasahero at nakita mo na marami at mabigat ang dala ng ale o manong, tulungan siyang makapasok ng sasakyan at makaupo, ngumiti habang nagbibigay ng tulong.
- Ang pagbibigay respeto rin ay nangangahulugan ng hindi pagsingit sa pila, pagbibigay ng sapat na espasyo sa kapwa, pagtapon ng basura sa basurahan. Ang pagkakaroon ng ‘courtesy’ o galang at bait kahit sa mga taong hindi mo kilala.
- Wag mang-discriminate at iwasan ang manghusga.
- Kung nalalagay sa mapanghamong sitwasyon sabihin ito ng maayos, idaan sa mahinahon na pakiusap.
- Makinig hindi lamang ang mga nakakatanda sa iyo kung di sa lahat kapag sila ay nagsasalita. I-develop ang eye contact sa kausap.
- ‘Think before you speak’ huwag maging taklesa, isipin kung makakasakit ba ang sasabihin. Kung magbibigay ng puna gawin ito bilang paraan upang makatulong, maging malinaw at mahinahon.
- Kung ikaw ay nakatataas o nasa kapangyarihan magbigay pa rin ng respeto sa mga katrabaho, kahit pa sila ay nasa mababang antas. Huwag abusuhin ang kapangyarihan at huwag silang maliitin. Imbes na katakutan maging leader na sinusunod dahil sa huwarang ugali na pinapakita.
- ‘Practice empathy and compassion’, isaalang-alang ang kapwa bakit hindi mo ilagay ang sarili sa kalagayan ng iyong nakakasalamuha. Hindi mo kailangang gumawa ng napakalaking pagtulong upang magbigay ngiti sa ibang tao.