Ni: Ana Paula A. Canua
Sa kalagitnaan ng gabi dumating sa Nick Bolletieri Tennis Academy ang pitong taong-gulang na si Maria Sharapova at ang kanyang ama, mula Russia. Tinahak nila ang Florida dala lamang ang 700 dollars upang magbaka-sakali sa karagdagang trainings at kompetisyon , sa kabila ng language barrier at pinansyal na hamon, hindi ito sapat na naging dahilan para bumalik na luhaan ang mag-ama.
Paglaon, mula sa maliit na court at lumang raketa, patuloy sa trainings at pagsali sa tennis competions si Maria hanggang sa madiskubre ng national team ang kanyang potensyal sa tennis.
Batang atleta
Karaniwang abala sa pag-aaral at makikipagkaibigan ang 14-anyos , ngunit iba ang batang si Maria Sharapova dahil sa murang edad na 14 isa na siyang professional tennis player, ibig sabihin kumikita at nirerepresenta niya ang bansa sa bawat kompetisyon.
Pagtungtong ng 17-anyos nagwagi sa Wimbledon Tennis competition si Maria, tinalo niya ang noong may hawak ng titulong si Serena William na kilala rin sa bangis at bilis na pinapakita sa court. Simula noon tila naghahabulan at nagpapalitan na lamang sa titulo sina Sharapova at Williams. Lubos namang kinagigiliwan ng mga audience at sports enthusiasts ang dalawang atleta dahil sa nakakabilib na labang pinapakita nito sa bawat laro.
Sa kanyang librong “Unstoppable” kanyang ibinahagi ang kanyang sekreto at kwento ng tagumpay bilang isang atleta at bilang isang indibidwal, “I’m known for one thing, it’s toughness, my ability to keep going when things look bad. People want to know where that quality comes from and, because everyone is hoping for their own chance, how to acquire it. I’ve never figured it out myself. In part, it’s because of who knows? If you look too deeply maybe you destroy it. I hope people take away every kind of lesson, good and bad. This is a story about sacrifice, what you have to give up. But it’s also just the story of a girl and her father and their crazy adventure”.
Isa sa mga itinuturong ispirasyon ni Maria ay ang kanyang ama na kanyang kasamang nangarap at tumupad nito. Ang tapang at lakas na kanyang pinakakita sa bawat laban ay para sa ama niyang hindi sumuko sa bawat hamon at nanatili sa kanyang tabi bilang coach at mapagmahal na ama.
Tropeo at kasikatan
Nakilala dahil sa galing sa court at kanyang kagandahan, umakit ng kabi-kabilang endorsers si Maria, Bukod sa laki ng mga napapalalunan, karangyaan din ang dala ng mga endorsements niya sa sports-wear, relo, sapatos pati na rin sasakyan. Dahil sa popularidad napabilang sa ‘most influential athlete ng Time Magazine si Maria. Nagsilbi rin siyang inspirasyon sa mga atletang pursigido at handang makipagsapalaran sa banyagang bansa upang makilala ang husay sa palakasan.
Simula ng pangarap
Apat na taon noong magsimulang pag-aralan ni Maria ang paghawak ng raketa. Sa murang edad hindi lamang pagsulat ng mga letra at pagbabasa ang kanyang pinagtutuunan ng pansin kundi pati rin ang tamang porma at galaw sa tennis.
Nagsimula ang pangarap ni Maria at ng kanyang ama sa isang maliit na resort town kung saan sila naglalaro. Sa paglipas ng taon matapos makamit ang titulo sa grand slam nagbalik muli sa Sochi Town Resort si Maria kasama ang ama upang magbalik ng utang na loob. Isinaayos ni Maria ang court upang muli itong magamit ng mga nangangarap na maging tennis star.
Kabiguan at panibagong hamon
Taong 2007, nagkaroon ng shoulder injury si Maria na nagdulot na kanyang pagkatalo sa mga major leagues, sa kabila nito nanatiling nasa top five woman’s tennis si Maria. Taong 2009, sumailalim sa surgery at rehabilitation si Maria upang maibalik ang dating lakas at tibay ng kanyang braso at balikat. Taong 2011, nagcomeback si Maria kung saan tinapos niya ang taon bilang top one sa limang pinakamagagaling na tennis players sa buong mundo. 2012, matapos manalo sa French Open, umukit sa kasaysayan ng tennis ni Maria bilang pangsampu na may hawak ng titulo sa ng apat sa major tennis tournaments sa Grand Slam.
“I’m not the next anyone, I’m the first Maria Sharapova,” mga linyang tumatak sa publiko matapos angkinin ni Maria sa sunod-sunod na laban ang titulo ng Gland Slam, ang pinakamalaking titulo sa buhay ng isang tennis atlete.
Ngayong taon matapos makarecover muli sa isang muscle injury, tuloy ang pagsabak ni Maria sa court sa gaganaping Shenzhen opening sa China sa Enero. Nanatili na isang hamon sa simumang atleta ang maka recover sa anumang injury dala na rin ng puspusang trainings at laban. Para kay Maria na may pinangangalagaang records isang dagok ang magbalik muli matapos ang mahabang pahinga, isa pa sa mga kinokonsidera niya ay ang kanyang pagtanda at ang pabatang-pabatang gulang mga mga bagong mababangis na atleta.
Pay it forward
Sa layo ng kanyang narating nanatiling malapit ang loob ni Maria sa mga katulad niya noon. Upang magbigay pag-asa sa mga batang atleta, isa sa mga aktibong pagtulong na ginagawa ng Maria ay ang pagdodonate sa mga institusyon gaya ng United Nations Development Program (UNDP) upang madagdagan ang mga sports facilities para sa mga bata.