Ni: Ana Paula A. Canua
Bahagi na yata ng ating pang-araw-araw ang stress, mula sa traffic, mahabang pila sa sakayan, mausok at mainit na kalsada at marami pang iba. Ngunit alam niyo ba na ang stress sa mahaba at tuluy-tuloy na panahon ay nakasasama sa ating kalusugan at pag-iisip. Upang labanan ito subukan ang mga pagkain na nakakabuti sa ating mood, mainam kung magiging bahagi ito ng iyong diet sa pang-araw-araw.
- Pagkaing mataas sa omega-3 fatty acids, gaya ng oily fish na tuna, mackerel at salmon. Piliin ang hindi galing sa lata sapagkat ang mga ‘canned meats’ na ito ay mataas sa sodium content na hindi nakakabuti sa blood pressure.
- Bukod sa isda mabuti rin ang walnuts at avocado na mayaman sa omega-3, maganda rin ito sa balat upang labanan ang skin aging.
- Gumamit ng olive oil sa pagluluto, taglay nito ang healthy fats at omega-3 acids.
- Ang whole grain oats, quinoa, brown rice at 100% whole grain pasta at tinapay ay nagbibigay ng mabuting epekto sa ating utak sa pamamagitan ng pagpapataas nito sa serotonin, ang hormone na responsible sa mood balance. Ang mga carbohydrates na nabanggit ay mataas din sa fiber, protein, vitamins at minerals kumpara sa refined carbohydrates.
- Uminom ng chamomile tea. Bukod sa tsaa mayroon na ring ointment, capsules at juice ang Chamomile. Kung iinom ng tsaa, maigi kung tatlo hanggang apat na beses ito sa isang araw. Ayon din sa pag-aaral ang chamomile ay nakakatulong din sa mga taong may
- Kumain ng saging ito ay mayaman sa fiber at tryptophan na nakakapag-relax at nakakaganda ng
- Ang mga pagkaing keso, chicken, soy products, itlog, tofu, isda, gatas, turkey, mani, peanut butter, pumpkin seeds at sesame seeds ay mayaman din sa sangkap na tryptophan, isang amino acid na pangunahing kailangan ng katawan upang nagproduce ng serotonin na nagbabalanse ng ating
- Uminom ng dalawang litro ng tubig kada araw. Imbes na uminom ng softdrinks o juice bilang pampalamig, piliin ang tubig. Ang pagiging hydrated ay nakakatulong sa maayos na sistema ng katawan at pag-iisip.