PINAS

Museum, nag-hire ng aso para sa napakaimportanteng misyon

Museum, nag-hire ng aso para sa napakaimportanteng misyon

Ni: Ana Paula A. Canua

Isang aso ang  pinakabagong empleyado ng Boston Museum of Fine Arts sa USA, siya ay si Riley, 12-week old na Weimaraner puppy.

Tulad ng ibang breed ng aso na sinisigurado ang seguridad at nakaantabay laban sa mga may masasamang plano, si Riley din ay nakatakdang magbantay ng seguridad ng museum laban sa mga insekto at peste na maaaring sumira ng mga artworks at kahoy.

Si Riley ngayon ay kinagigiliwan sa Boston, dahil sa napakacute na public appearance niya bilang kauna-unahang aso na gagampanan ang pinakaimportanteng misyon sa loob ng museum bilang tagapagpanatili ng kagandahan sa mga artworks.