Pinas News
IKINASA ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang kanilang 24/7 monitoring para sa Mt. Mayon sa Albay.
Ipinatupad na ng grid operator ang mga kinakailangang preparasyon at safety measures para mabawasan ang epekto ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon sa operasyon ng transmission lines maging ng kanilang mga pasilidad.
Kabilang sa kanilang paghahanda ang pagtiyak ng reliability ng communications equipment, availability ng hardware materials at mga kailangang supplies para sa pagsasaayos ng mga napinsalang pasilidad at ang pag-standby ng line crews sa mga strategic area.
Inilabas ng NGCP ang integrated disaster action plan para matiyak ang kahandaan ng lahat ng power transmission facilities na inaasahang maaapektuhan ng volcanic activity.