Ni: Ana Paula A. Canua
Sa tuwing humaharap sa matinding lungkot, stress o kawalan ng giliw sa pang-araw-araw, malaking tulong ang pagbabalik-tanaw sa mga positibong ala-ala upang malampasan ito.
Ang depression ay isang napakaseryosong sakit na nakakaapekto sa ating kilos, pagdedesisyon, pakikitungo at kapag lumalala maaari rin itong magdulot sa kamatayan. Kaya naman mahalaga na alagaan natin ang ating sarili, punuin ng magaganda at positibong bagay ang isip. Dahil bahagi ng pangkabuuang kalusugan ang mental at pisikal na aspeto.
Narito ang walong paraan upang malampasan ang depression
- Alalahanin ang masasayang ala-ala. Ayon sa Clinical Psychological Science tinatawag din itong “method of loci” strategy”. Ang pagtingin sa mga lumang litrato o keepsakes, ay mainam na mood-booster, i-appreciate ang mga bagay na nangyari noong nakaraan.
- Ang pagsusulat ay isang therapeutic tool sa anumang emosyon. Isulat ang masasayang ala-ala sa nakaraan at iyong kasalukuyang nararanasan. Magandang ideya rin ang magkaroon ng “things that I am grateful for” sa dulo ng araw. Ano-anong bagay o sino-sino ang pinagpapasalamat mo?
- Palibutan ang sarili ng positibong tao.
- Hindi lahat ng ala-ala ay masaya, kaya maging maingat sa pagbabalik tanaw.
- Magkaroon ng happy place o lugar na malayo sa distractions. Maaring mangahulugan ito ng pagbisita sa tabing-dagat o pagpunta sa parke, maaari rin naman sa pag-upo lamang sa inyong bakuran o hindi kaya pagbisita sa tahanan ng inyong lolo’t lola.
- Lumapit sa Mental health professional. Tandaan na maaring hin
- Di sapat ang mga sumusunod na paraan. Upang magtagumpay na labanan ang depression maigi na lumapit sa psychotherapist o mental health professional. Maaring dumaan sa therapy sessions o uminom ng gamot.