Ni: Ma. Leriecka Endico
Isa sa mga bisyong mahirap bitawan ay ang paninigarilyo. Batid man natin ang masasamang epekto nito, marami pa rin ang patuloy na gumagamit. Ayon sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO) noong Mayo nitong taon, 7 Milyon kada taon ang namamatay dahil sa Tobacco. Paano nga ba maiiwasan ito?
Bagamat alam na natin na ang pageehersisyo ay nagdudulot ng maganda sa ating katawan, ito ay mga partikular na benepisyo. Isa na nga rito ay ang pag-iwas sa paninigarilyo. Kaugnay nito ay ang mga sumusunod na benepisyo:
Nakababawas ng gutom – Salungat sa ating kaalaman, ayon sa American Physiology Society, nakatutulong itong mabawasan ang produksyon ng ghrelin, isang hormone na nagpapataas ng gana sa pagkain.
“Of course, after a workout, you’re going to need to take on food to replace lost energy. Further studies show you’re more likely to choose your food wisely in such a circumstance, than if you’ve been sedentary all day,” ayon sa ulat ng telegraph.
Nililimitahan ang pagtaas ng timbang – Popular na paniniwala natin na ang paninigarilyo ay nakakabawas ng timbang. Ngunit, mas mainam na kumain at magehersisyo dahil sa malusog at natural na proseso ng katawan sa pagtunaw ng mga taba nito.
Nakakabawas ng stress – Maraming tao ang naninigarilyo upang mabawasan ang stress. Ngunit, salungat ng paniniwalang ito ay ang katotohanang mas nakakataas ng pagiging stress ito. Samantala, ang pageehersisyo ay nakatutulong upang maglabas ng endorphins ang katawan, isang hormone na nakakabawas at lumalaban sa stress.