PINAS

Payong, pinagmulan ng takot sa ospital

Ni: Paula A. Canua

KIRKLAND, Washington— PINAGSIMULAN ng takot sa Seattle-area hospital ang isang payong matapos itong mapagkamalang rifle.

Ayon sa mga empleyado ng Evergreen Medical Center, kinabahala nila ang pagpasok ng isang lalaki na nakasuot ng backpack at may dala na mahabang kagamitan na mistulang baril. Dahil sa pagdududa nag lock-down ang ospital habang pinapadala sa pulisya ang litrato ng lalaki.

Kinalaunan sa imbestigasyon napag-alaman na contracted hospital security ang lalaki at payong lamang ang kanyang dala. Inalis din ang lock-down at bumalik sa operasyon ang ospital.