Pederalismo di para kay Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa dating senador Aquilino Pimentel Jr.
Ni: Jonnalyn Cortez
Patuloy ang senate hearing ukol sa panukalang amyendahan ang kasulukuyang konstitusyon at gawin itong federal form of government.
Sa draft na ginawa ng mga eksperto ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP-Laban, mananatili ang bicameral legislature kung saan ang mga members of the House ay ihahalal ng kanilang mga distrito. Sa kabilang dako, ang senado naman ay bubuuin ng isang represetante ng bawat rehiyon.
Sa paliwanag ng dating senador na si Aquilino Pimentel Jr., pag naipasa ang pederalismo, magkakaroon ng 11 centers of power at isang center of power. Ito ay pamumunuan ng inihalal na president.
Ano nga ba ang mangyayari pag naisabatas ang pederalismo?
Sa pagkakapanalo ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, sinasabing mas malapit ng maisakatuparan ang kampanyang pagbabago ng saligang batas ng PDP-Laban sa pederalismo.
Sa katunayan, ang ating mga mambabatas sa senado at House of Representatives ay sinisimulan na ang pagtalakay sa mga panukalang amyendahan ang 1987 Constitution.
Ayon naman kay executive director ng PDP-Laban Federalism Institute at assistant secretary ng Department of the Interior and Local Government o DILG na si Jonathan Malaya, ang pamunuan ng partido ay iminumungkahi ang pagsasabatas ng “semi-presidential federal system.”
Sa ilalim nito, ang presidente ay dapat ihalal ng publiko sa kapangyarihan. Pagkatapos nito, ang presidente naman ay mag-no-nominate ng isang prime minister para sa kumpirmasyong ng parliamento.
Halos lahat kapangyarihan na meron ang presidente ay malilipat sa prime minister, na s’ya namang magiging head of state na makikitungo sa mga alalahanin sa foreign affairs at national defense.
Ang 24 na mga Senador ng Pilipinas
Constitutional Assembly o Constitutional Convention
Isinusulong ng mga minorya ng mambabatas ang charter change sa pamamagitan ng Constitutional Convention o Con-Con sa halip na Constitutional Assembly o Con-Ass. Dito, ang mga tao ang maghahalal ng mga delegado na s’ya namang gagawa ng bagong konstitusyon.
Sinangayunan naman ito ng dating Chief Justice Hilario Davide Jr. at ng isa ring dating Chief Justice na si Reynato Puno. Anila, anumang pagbabago na gagawin sa ating kontitusyon ay dapat isakatuparan sa papamagitan ng isang constitutional convention.
“The argument that constitutional assembly is cheaper than the constitutional convention is a cheap argument,” binigyang-riin ni Puno.
Sa kabilang dako, kamakailan lamang ay inayunan ng House of Representatives ang resolusyong pagtitipun-tipon ng kongreso bilang isang constituent assembly para amyendahan ang 1987 Constitution. Dito, ang mga miyembro ng kongreso ay magiging isang kinatawan na may karapatang gumawa ng draft ng bagong charter.
Pag ito ay naisabatas, ang kasuluyang kongreso ay bubuwagin. Ang senado at House naman ay papalitan ng isang interim parliament. Bibigyan rin nito ng karapatan ang pangulo na tumakbo pagkatapos ng limang taong termino para sa re-election.
Sa katunayan, sa isang panayam kay Speaker Pantaleon Alvarez, sinabi nito na ang House of Representatives ay magtitipon para sa isang constituent assembly kahit pa hindi ito daluhan ng mga senador.
“We will first meet, hear. Now, the senators are welcome to go there and join us. If they don’t want to go, we will not force them,” aniya.
Matatandang nanindigan ang mga senador sa kanilang desisyon laban sa joint voting sa charter change.
“Ang dulo kasi nito ay isa-satisfy namin kung ano yung requirement ng ating Saligang Batas. Sinasabi niyan three-fourths of all its members, bibilangin na natin lahat ng miyembro, kunin natin yung three-fourths, magbobotohan tayo,” paliwanag ni Alvarez hinggil sa pagpapatuloy ng constitutional assembly na wala ang presensya ng mga taga-senado.
Isa sa former Chief Justice Hilario Davide Jr. sa nagbalangkas ng 1987 Philippine Constitution
Hindi Para Kay Duterte
Binigyang-diin naman ni Pimentel sa isang panayam na hindi para pahabain ang panunungkulan ni Pangulong Duterte ang pagsusulong ng pederalismo.
“Hindi ito for Duterte. 1982 pa e federalism na ang advocacy ng PDP-Laban. Wala pa sa radar, sa national level si President Duterte. So, we’re doing this for Duterte? Malabo po yata ‘yun,” aniya.
Ipinaliwanag ni Pimental na mas mababawasan pa nga ang hawak na kapangyarihan ng pangulo sa ilalim ng federal form of government. “In a federal form of government, you are creating other centers of power,” dagdag n’ya.
Sa kabila nito, ipinahayag ni Davide ang kanyang pagkadismaya sa pangunguna ni Pangulong Duterte sa charter change mula sa unitary government tungo sa federal government.
“The dividing, breaking up, splitting of, fragmenting and disconfiguring of the Philippines by way of federalism will not build a just and humane society and will not bring a harvest of harmony, development, progress, prosperity, peace and stability. On the contrary, it will bring the opposite,” aniya.
Si Executive Director ng PDP-Laban Federalism Institute Jonathan Malaya na sumusulong sa “Semi federal system”
Bagong konstitusyon para sa Pilipino
Gayunpaman, sinabi ni Piminentel na ang iminumungkahing paglilipat ng gubyerno bilang federal form of government ay dapat lamang suportahan kung ito ay magdudulot ng mabuti sa mga Pilipino.
“No matter what form of government, ultimately, it is the people who will have to make that system work,” aniya.
Sinangayunan naman ito ng isa sa miyembro ng 1986 Constitutional Commission na si Edmundo Garcia. Aniya, ang publiko ang dapat na maging “co-authors” ng paggawa ng konstitusyo habang ang mga mambabatas ang kanilang magiging gabay.
“Nevertheless, it was very important to get the pulse of the people, their feelings about certain issues, their priorities,” dagdag pa n’ya.