Pinas News
SINABI ng Gallup International sa 41st Annual Global End of the Year Survery nito, na ang bansang Pilipinas ay pangatlo sa pinakamasayang bansa sa mundo.
Ayon pa sa surevey, 86% sa mga Pilipino ang nagsasabing sila ay masaya habang 2% ang taliwas at 10% naman ang hindi makapagsasabing masaya o hindi masaya at may kabuuang iskor na +84.
Ito ay sa kabila ng mga trahedyang nangyayari sa ating bansa sa taong 2017 kabilang na ang pag-atake ng mga terorista at mga kalamidad na nangyayari lalo na sa katimugan ng ating bansa gaya ng bagyo, baha, paguho ng lupa, sunog, at pagkalunod at iba pa, na kung saan ay kumitil ng daan-daang katao bago ang pagdiriwang ng pasko.
Hindi maipagtataka ang ganitong ulat sapagka’t likas na sa ating mga ‘Pinoy ang pagiging masaya sa kabila ng mga kahirapan ay nagagawa pa rin nating ngumiti at umahon sa buhay.
Iba ang hatid ng pasko sa bawat Pilipino. Pagsasama-sma ng buong mag-anak, pagmamahalan at pagbibigayan kung kaya’t di katakataka na matuwa at sumaya ang mga mamamayan ng Pilipinas.
Isa rin sa nagbibigay kasiyahan sa ating mga Pilipino ang pananampalataya sa ating Panginoon na siyang nagbibigay sa atin ng pag-asa sa buhay na sa kabila ng mga kagipitan ay naniniwala tayong hindi tayo pababayaan ng Maykapal.
Tiyak ikagugulat siguro natin kung hindi pa tayo maisasama sa sampung pinakamasayang bansa sa mundo dahil likas talaga sa ating mga Pilipino.
Dagdag pa nito, isa rin ang bansa sa may positibong pananaw sa taong 2018 kung saan marami sa mga Pilipino ang naniniwalang mas uunlad ang ekonomiya nitong taon kung ikumpara sa taong 2017.
Dahil na rin siguro sa determinasyon ng kasalukuyang administrasyon na mabigyan ng kasiyahan ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa imprastraktura at ekonomiya ng bansa, mabuting pangangasiwa ng pamahalaan dahilan upang patuloy ang positibong antas ng kasiyahan ng mga mamamayan sa Administrasyong Duterte.
Nawa’y magkaroon ng katotohanan ang inaasam ng marami sa ating mga Pilipino basta’t manalig lamang tayo at iwasan nating kumontra sa anumang ipatutupad ng pamahalaan sa halip na bigyan natin ng pagkakataon na maisagawa ang minimithi ng pangulo para sa ikauunlad, katiwasayan at kapayapaan ng ating bansa. Mabuhay tayong mga Pilipino!