Ni: Ana Paula A. Canua
India- Kasing bigat lamang ng isang malaking chocolate bar ang sanggol na si Manushi, at kasing laki ng kamay ng kanyang ama.
Sa kauna-unahang pagkakataon si Manushi ang pinakaunang sanggol na nagsurvive sa kabila ng liit at gaan nito.
Ipinanganak noong June 15 si Manushi at makalipas ng anim na buwan, nakalabas na siya ng ospital matapos madeklarang ‘stable’ na ang kanyang kalusugan. Ayon sa mga doktor normal naman ang development ng mata at utak ni Manushi, na lubos namang pinagpapasalamat ng kanyang mga magulang.
28-weeks pa lamang sa sinapupunan si Manushi nang ipanganak, ito ay matapos tumaas ang altapresyon ng kanyang ina na 48-anyos na . Ito ang naging dahilan kaya nagdesisyon na ang mga doktor at pamilya na ilabas ang bata dahil sa panganib na mamatay ito sa loob ng sinapupunan ng ina. Itinuturing naman na miracle baby si Manushi ng kanyang pamilya dahil sa tapang at lakas nito.