PINAS

Sunshine Dizon, speaks up about the secret of success of ‘Ika 6 na Utos’

 
Si Sunshine Dizon kasama ang mga bida ng noontime soap opera na ‘Ika-6 na Utos’ na sina Gabby Concepcion at Ryza Cenon.

 

Ni: Wally Peralta

MASASABI na ang namamayagpag o ‘panlaban’ na teleserye ngayon ng GMA-7 ay ang kanilang highest rating noontime soap opera na “Ika-6 na Utos” na pinagbibidahan nina Sunshine Dizon, Gabby Concepcion at Ryza Cenon. Click na click ito sa mga tele-viewers, dumarating pa nga sa punto na halos apektado na rin ang maraming viewers sa characters ng naturang soap. Tulad na lang kay Ryza bilang si Georgia, lumabas na other woman, ay nakakatanggap na rin ng death threat. Samantalang si Sunshine naman bilang si Emma, ang asawa ay kinakampihan.

Tsikang bago pa man gawin ni Sunshine ang “Ika-6 na Utos” ay nagdadalawang-isip ang aktres.

“Ang plan ay one season o six weeks lang,” paunang say ni Sunshine.

“Hindi ko ini-expect na ganito ito tatagal. Nagdalawang isip pa nga ako ng una kung gagawin ko itong ‘Ika 6 na Utos” kasi okey na okey naman ako doon sa “Encantadia Part 2”. Half way na ako sa Enca at nagsisimula palang madevelop yung character ko ay sinabihan ako ng aking manager na ipu-pull-out na raw ako sa Enca.”

“Sabi ko, bakit?”

Sabi sa akin ng aking manager na may gagawin raw ako bagong soap. Sinasabi na raw niya agad sa akin para raw hindi ako magulat. Ewan ko ba, pag may bagong project sa akin ang GMA-7 na ibibigay ay nagkakataon na parating halfway na ako sa karakter sa ginagawa kong soap saka ako aalisin. Parang biglaan, ganun. Natatandaan ko pa noong una, bago ako maging bida sa ‘Bakekang’ ay nasa ‘Captain Barbell’ na ako noon, pinul-out din ako sa fantaserye noon ni Richard Gutierrez,” ang paliwanag pa ni Sunshine.

 

Halaw sa totoong buhay niya…

May kaugnayan kaya sa pagdadalawang-isip niyang tanggapin ang “Ika 6 na Utos” sa dahilan ang tema nito ay may pagkakahawig sa tunay niyang buhay? Kainitan noon ng hiwalayan nila ng kanyang mister na si Timothy Tan at nasa proseso palang ng moving on si Sunshine nang i-alok sa kanya ang bagong soap na gagawin?

“Before na ini-offer nila sa akin ang ‘Ika-6  na Utos’, ay kinausap pa ako ng manager ko na kung interesado ba raw akong gumawa ng isang teleserye na may pagkahawig sa takbo ng buhay ko. That time ay fresh na fresh pa na rin yung hiwalayan naming ng mister ko.”

“Sabi ko okey lang, blessings yan, bakit naman ako tatanggi. Work is work kaya sabi go ako diyan. Saka I guess im not the only person in the whole world na may ganun istorya na tulad sa akin.”

 

Secret of success….

Ngayon ay namamayagpag ng husto ang naturang soap opera na ito ni Sunshine. Naging highest rating ito na pati ang ratings ng mga pangmasang noontime show na “Eat Bulaga” at “It’s Showtime” ay nilalampaso ng rating ng soap nina Sunshine. Sa palagay kaya niya, ano ang and dahilan kung bakit tinatangkilik sila ng husto ng tele-viewers?

“Well personally, sometimes when I’m reading the script parang sabi ko sa sarili ko na imposibleng mangyari ang ganitong sitwasyon, siempre, bilang actor, may mga question ako about certain thing sa character ko na si Emma.”

“Sabi naman sa akin ng aking manager, sa totoong buhay ay ibang-iba si Emma, pero si Emma is playing all those real people rolled into one. So, Emma is the martyr wife, Emma is the palaban wife, Emma is the crying wife, ha ha ha ha! I think that’s the key kung bakit naging interesado ang mga televiewers sa aming soap,” say ni Sunshine.

“Siyempre kasali rin yung character ni Ryza Cenon na si Georgia, the other girl. Aminin na rin natin na may mga babae talagang baliw diyan na gagawin ang lahat para makuha lang ang minamahal niya. Kay Georgia naman, rolled into one din siya, andiyan kasi yung mga assets ng isang ‘kabit’ na paawa, yung tipong magpapakamatay pag iniwanan, yung ibibigay lahat, yung palaban,”dagdag ni Sunshine.

 

Sympathy for the ‘kabit’

Sa tinagal-tagal ng kanilang soap opera at sa dinami-rami na rin ng natutunan ni Sunshine sa buhay ng mga other girl, sa kanilang dusa at pakikipaglaban, nagkaroon na kaya ng sympathy si Sunshine, knowing na isa rin siya sa naging ‘biktima’ ng other woman.

“Hindi pa rin. Ha ha ha ha ha!”

“To be honest, kumbaga, ako personally, mayroon akong isang kakilala na parang naging cause ng break up ng isa rin kakilala ko. Umiwas ako.Hindi ko keri. I don’t want to be associated with certain people anymore that I know that cause a lot of pain para sa mga anak at sa pamilya,” ayon kay Sunshine

“Kasi, okey lang kung single o hiwalay, yung ganun. Pero kung alam mong may asawa, may pamilya, foul na yun.”

“Unless siguro kung hindi mo alam talaga, yung bang tipong niloko ka, that’s a different story, pero pag alam mo may pamilya, sorry, hindi ko talaga ma-attempt na magkaroon ng sympathy sa mga taong pumapatol sa may sabit na. Hindi talaga! Kasi parang feeling ko, marami naman tao sa mundo, hindi naman tayo mauubusan bakit ka kailangan mang-agaw at manira ng pamilya?” pagtatapos ni Sunshine.