Ni: Ana Paula A. Canua
Dahil sa dalang ginhawa ng teknolohiya madalas nakasalalay na rin tayo rito. Tingnan mo ang paligid, halos lahat ay pinapagana nito. Ang katotohanan hindi naman talaga nakakasama ang teknolohiya, ngunit ang labis na paggamit nito ay nagdadala sa atin sa peligro at kapahamakan.
Katulad ng lahat ng adiksyon, hindi alam ng isang addict na siya pala ay maituturing ng addict. Malimit na nakakapansin ang mga kaibigan, pamilya at malalapit na tao kapag nalululong na sa masamang bisyo ang isang tao.
Ang isang adik ay dumadaan sa serye ng denial o ang pagtanggi na siya ay nahulog na sa masamang bisyo. Kapag malala na, napipilitang magsinungaling ang isang adik para lamang maipagpatuloy ang bisyo nito. Pinakamalala ay ang maisaalang-alang na ang kanyang relasyon sa pamilya at mga kaibigan dahil sa malalang epekto ng adiksyon.
Upang maresolba ang adiksyon, kailangan na matanggap ng isang adik na siya ay humaharap sa matinding problema nang kawalan ng kontrol sa sarili. Mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng pamilya at kaibigan upang maging matagumpay ang rehabilitasyon at recovery ng pasyente, sa suportang pinapakita magsisimula ang pag-asang may pagkakataon pa upang magbago.
Social media addiction at Facebook Addiction Disorder
Sa ating isipan marahil ang konsepto ng adiksyon ay kinasasangkutan lamang ng bawal na gamot at alak, ito ang pangkaraniwang problemang nakikita natin. Hindi natin naiisip na maaari rin tayong maadik sa teknolohiya o ang sobra-sobrang pagkahumaling dito.
Napakalawak ng Technology addiction, sa ilalim nito makikita ang social media addiction na pangkaraniwan sa mga kabataan o kung tawagin ay henerasyon ng millennials na ipinanganak noong taong 1981 hanggang ngayon.
Sa inilabas ng pag-aaral ng Nottingham Trent University sa psychological characteristics, personality at social media use, nadiskubre na katulad ng alak at droga ang epekto ng adiksyon sa Social Media.
“It may be plausible to speak specifically of ‘Facebook Addiction Disorder’…because addiction criteria, such as neglect of personal life, mental preoccupation, escapism, mood modifying experiences, tolerance and concealing the addictive behavior, appear to be present in some people who use [social networks] excessively. They also found that the motivation for people’s excessive use of social networks differs depending on certain traits—introverts and extroverts use it for different reasons, as do people with narcissistic traits. But that deserves a piece of its own”.
Sinoportahan naman ito ng Swansea University na sinabing “We have known for some time that people who are over-dependent on digital devices report feelings of anxiety when they are stopped from using them, but now we can see that these psychological effects are accompanied by actual physiological changes.”
Ibig sabihin ang batayan sa Social Media Addiction ay kapag naapektuhan na ang pag-iisip at pakikitungo ng isang tao dahil sa ‘over-dependent’ na ito sa kanyang social networks, nagkakaroon ng sariling bersyon ng realidad at koneksyon ang taong adik sa social media.
FOMO
Isa sa mga tinutukoy na dahilan ng Social Media Addiction ay ang pagdanas ng FOMO o Fear of Missing Out. Ang FOMO ay ng takot na magpag-iwanan. Dahil sa dami ng nangyayaring trends online ito ay nagbibigay ng kaisipan na kailangan nating nakisabay sa uso, hindi natin namamalayan binabago na nito ang ating pag-uugali at mood.
Ayon sa The New York Times sinalarawan nila ang FOMO bilang, “the blend of anxiety, inadequacy and irritation that can flare up while skimming social media. Social media is bombarded with pictures and posts of scrumptious dinners, raging parties and enviable travel check-ins. These activities might not be one’s idea of fun, but when one recognises that pang, “Should I be doing something else right now?”, that’s FOMO”. Kung hindi adiksyon, maaring humantong sa depresyon ang pakiramdam na napag-iiwanan
Tech Fallout
Binabago ng teknolohiya ang behavior at physiology ng isang tao. Naapektuhan ang memorya, attention spans at sleep cycle maaring magdulot ng insomnia, Alzheimer, hyperactivity at marami pang iba.
Phantom Vibration Syndrome
Ito ay ang pakiramdam na nagvivibrate o naririnig mo ang iyong telepono o gadgets na tumutunog kahit hindi naman. Ang matagal na exposure sa gadgets ang dahilan kung bakit nasasanay ang ating utak sa madalas nitong marinig, maituturing din itong isang hallucination.
Bakit nga ba ito nakakaadik?
May kakayahan ang teknolohiya na ibigay ang natural na pangangailangan ng isang tao gaya ng interaction at stimulation na nagpapabago sa takbo ng ating utak.
May kakayahan din itong makaapekto sa ating ‘pleasure system’, o ang konsepto na nakakatanggap tayo ng reward, katulad ng nararamdaman ng isang taong lulong sa droga at alcohol.
Sa kanilang isipan ang paggamit ng teknolohiya at gadgets ay nagbibigay ng magandang bersyon ng realidad, nagsisilbing pang-alis ng inip, maaari rin itong magbigay ng ligaya sa kanila kaya ganoon na lamang ang labis na pangkahumaling nila sa paggamit nito.
Gamitin ng wasto
Ang teknolohiya ay nariyan upang tulungan tayo sa oras ng pangangailangan. Maging responsible sa paggamit nito. Bago gumamit ng gadgets, alamin muna ang mga importanteng gawain na hindi kailangang gamitan ng teknolohiya. Magsimula sa pagsusulat ng mga importanteng gawain sa papel. Magtakda ng tiyak na oras lamang sa paggamit ng social media, o paglalaro. Kung naiinip ka lamang kaya ka gumagamit ng computer, bakit hindi mo subukang libangin ang sarili sa ibang gawain, gaya ng pagbabasa ng libro, pagkukulay, o pagtatahi. Maraming libangan ang pwedeng gawin na hindi kinakailangan ng teknohiya.
Kahit sino ay maaaring magkaroon ng adiksyon, mahalaga na bantayan at alagaan natin ang ating sarili. Mamuhay sa natural ng paraan, magkaroon ng personal na komunikasyon, mag-obserba sa kapaligiran at alalahanin na magsaya sa natural na paraan at hindi birtwal o digital lamang.