PINAS

17 katao, patay sa shooting incident sa Florida, USA

Pinas News

LABIMPITO katao ang kumpirmadong nasawi sa pamamaril sa isang eskwelahan sa Florida, USA.

Ayon sa mga otoridad, isang labingsiyam na taong gulang na binata na kinilala bilang Nikolas Cruz na dating estudyante ng Stoneman Douglas High School sa Parkland ang namaril gamit ang AR-15 rifle.

Binuksan umano ng shooter ang fire alarm kung kaya naman nagsilabasan sa mga classroom ang mga mag-aaral bago nito sinimulan ang pamamaril.

May mga problema na umano ang binata sa paaralan kaya ito tinanggal.

Isasara naman ang eskwelahan hanggang sa matapos ang linggo upang imbestigahan ang pamamaril.

Isa na ang insidente sa pinaka-madugong kaso ng mass shooting sa Amerika sa nakaraang sampung taon.