PINAS

6 Miyembro ng SAF, sugatan sa sagupaan vs NPA sa Antipolo City

Pinas News

SUGATAN ang anim na miyembro ng Special Action Force (SAF) sa nangyaring engkuwentro nito sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA) sa Antipolo City.

Kinilala ang mga sugatang sundalo na sina Police Officers 2 Brendo Cariño, Reymar Guevarra, Mark Andrew, Gran Omines, Joseph Alberca, at Ryan Gonzales.

Nangyari ang sagupaan habang nagpapatrulya ang nasabing mga pulis sa Barangay San Jose ng bigla silang paputukan ng hindi mabatid na bilang ng teroristang NPA.

Sa ngayon ay ginagamot ang mga sugatang SAF sa Antipolo District Hospital at Amang Rodriguez Hospital.