Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
HINDI ko nauunawaan ang lahat ng bagay na ginagawa ng Panginoon sa aking buhay o sa buhay ng Hinirang na Anak ng Panginoon, ngunit demonyo, huwag akong lituhin dahil aayawan ko ang pagkalito. Aayawan ko ang pag-aalinlangan. Manampalataya ako sa Ama kahit anupaman. Ang aking puso ay buo na, ang a-king isip ay nakapagpasya na.”
Kapag ginawa ninyo iyan, sinabi ninyo sa demonyo, “Hindi na mangingibabaw pa ang laman sa amin. Wala ka ng kapangyarihan dito. Ang espiritu na ang siyang makapangyarihan dito.” Matatandaan ninyo ang mga mana ng kapayahayagan kaysa sa mga akusasyon ng demonyo. Naitanim na sa inyong mga puso at sa inyong mga isipan, walang sinumang makagagalaw sa Hinirang na Anak. Ang pagtatanim ng binhi ng pagsusunod sa Kalooban ng Ama, gamit ang Kanyang Hinirang na Anak ay narito na sa ating mga puso. Ha-yaan ba ninyong gagalawin ng isang tao ang mensahe ng Hinirang na Anak na walang paghihigante sa espiritu?
Kayo ay mga espirituwal na sundalo. Ang ating paghihigante ay hindi sa pisikal. Ito ay sa espirituwal. Dapat may tatayo, may magprotekta, may dumepensa at magbigay ng testimonya.
Isaiah 54:17; “Walang almas na ginawa laban sa iyo ay pakikinabangan at bawa’t dila na gagalaw laban sa iyo sa kahatulan ay iyong haha-tulan. Ito ang mana ng mga lingkod ng Panginoon, at ang katuwiran nila ay sa akin, sabi ng Panginoon.”
KAILANGAN NINYONG LUMAGO SA ESPIRITU
Lalago kayo at maging alila. Ang mga alila ay iyong mga may kaalaman na sa Kalooban ng Ama, bagaman sila ay tutungo sa pagiging mga anak na lalaki at anak na babae. Ngunit kailangan pa ninyo ng mga tagapagturo at mga gobernador na magsasabi sa inyo, “Huwag gawin ito, huwag gawin ‘yan,” dahil kahit na nalalaman na ninyo ang Kalooban ng Ama, hindi kayo makatatayo sa pagsunod sa mga ito. Hindi kayo makatatayo ng nag-iisa. Merong dapat magtutulak sa inyo. Kailangan ninyo lagi ang scaffolding. Kailangan ninyo lagi na may magdampot sa inyo at magtayo sa inyo at magpapalakas loob sa inyo.
Huwag manatili diyan dahil kapag kayo ay manatili sa ganyan, patuloy kayong alila. Kailangang makarating kayo sa antas ng Sonship. Ako ang inyong modelo. Alam ko ang Kalooban ng Ama.
Meron ba ditong nagsasabi sa akin kung anong aking gawin? Wala. Maaari akong makatatayo at makagagawa sa Kalooban ng Ama na walang sinumang magsasabi sa akin. Kung magagawa niyo rin ‘yan, kayo ay kasama ko. Kayo ay magiging espirituwal na sundalo. Mapapabilang kayo sa gawain ng Ama sa Spiritual Revolution, Financial Revolution at sa Revolution of Excellence.
Juan 3: 19-21; “At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka’t masasama ang kanilang mga gawa. Sapagka’t ang bawa’t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa. Datapuwa’t ang gumagawa ng katotohanan ay lumalapit sa ilaw, upang mahayag na ang kaniyang mga gawa ay ginawa sa Dios.
TAYO ANG LIWANAG, ANG ANAK ANG LIWANAG
Hindi kayo takot sa liwanag dahil kayo ang liwanag. Bakit inuusig ako ng mga tao kapag nakita nila ang aking panga-ngaral, kapag marinig nila ang aking pangangaral? Dahil sanay sila sa kadiliman at sa bigla ay, nakita nila ang kaliwanagan. Kapag ang Anak ng Katuwiran ay dumating at magbibigay sa kanila ng tunay na lliwanag, sila ay nabubulag sa biglang pagsabog ng liwanag. Kaya sinusumpa nila ako. Kanila akong inuusig.
Huwag ninyong gawin ‘yan dahil sa huli ay maliliwanagan din kayo. Makikita ninyo ang anumang aking sinasabi ay tunay. Ilan sa inyo ay kagaya sa kanila noon. Marami sa mga tagausig ay narito na sa Kaharian dahil habang binuksan nila ang kanilang mga mata, nakikita nila ang aking sinasabi ay tunay. Ako ay nananalo. Ako ay nasa bahagi ng Ama. Ang kabutihan ay laging nasa bahagi ng pagkapanalo.
TAYO ANG NASA BAHAGI NG PAGKAPANALO
Ang Commander in Chief ng kabutihan ay ang pinakamapangyarihan at lubos na nakakaalam na Panginoon. Siya ay laging nanaig at tayo ay nasa Kanyang bahagi. Ang digmaan na nananalasa sa kalangitan ay bumaba sa lupa. Ang demonyo ay natalo doon at ngayon siya ay natalo na dito. Natalo na siya at wala ng mapupuntahan. Kaya saan man tayo tutungo, hindi niya mapigilan ang paglaganap at paglago ng Kaharian.
Kahit saan man ako tutungo naroroon ang mga tagausig ngunit ang mga tagausig ay nagpapahiwatig lamang na ang gawain ng Ama roon ay napakaepektibo sa pamamagitan ng Hinirang na Anak. Ang katotohanan ay mananatiling manaig. Mga young people, kayo ay nasa front line kasama ko.
1 Juan 4:4; “Kayo’y sa Dios, mumunti kong mga anak, inyong dinaig sila: sapagka’t lalong dakila siyang nasa inyo kay sa nasa sanglibutan.”
PAGTATAG SA SENTINELS OF LIGHT SAANMAN TAYO TUTUNGO
Saan man tayo tutungo, maitatatag ang mga sentinel of light. Nakikita ko kayong nagtatayo ng KLC saan man kayo tutungo o ang Espirituwal na Sundalo ng Kabutihan ay ipinadala sa mga lugar na hindi pa napuntahan, sa Central America, sa Latin America, sa Africa, Europe, sa Middle East, sa Asia o saanman tayo dalhin ng Kalooban ng Ama. Saanmang meron pang kadiliman, ating pupuntahan. Huwag matakot dahil dadalhin natin ang liwanag at ang demonyo ngayon ay natalo na. Napagtagumpayan na natin ang mundo. Kapag kayo ay isinilang ng Panginoon, mananaig kayo sa sanlibutan. Huwag mag-alala sa mga pita ng mata, pita ng laman, kapalaluan sa buhay dahil mananaig kayo diyan.
“…at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan,” (1 Juan 5:4)
Ano iyan? Ang ating pananampalataya, ang ating paniniwala. Subukang pang-hawakan ang anumang meron tayo ngayon, gaya ng mga pagtuturo at mga mana ng kapahayagan na dumara-ting mula sa Dakilang Ama sa pamamagitan ng Anak. Ang Kalooban ng Ama ang matutupad sa mundong ito ngayon.
(Wakas)