Ni: Pastor Apollo C. Quiboloy
ANG computer ngayon ay kuta ng demonyo at naroroon din tayo. Ginagamit natin ito upang maaari nating labanan ang demonyo maging sa cyberspace.
Nangako ang Ama sa akin na bigyan ako ng “Power of the Air” at tayo ay nasa himpapawid na. Nananalo ako sa TV, 24 oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Naroon akong pinapangaral ang Salita ng Panginoon. Tutulungan ba ninyo ako? Sasamahan niyo ba ako? Mga espirituwal na sundalo ng Kaharian, suportahan ninyo ang mensahe ng Hinirang na Anak. Magkomento kayo roon. Kailangan ko ng milyon-milyong komento at views. Tingnan ninyo ang anak ng demonyo, sila ay may milyon-milyong views. Kapag dumating na sa pangangaral ng Anak, 10 views. Nagpapa-salamat ako sa Ama na tayo ay nakakatanggap mahigit pa riyan. Ngunit dapat tayo ang nananalo sa cyber warfare. Dapat meron ako sa aking mensahe (maging ito man ay sa YouTube o sa Twitter) na isang milyong minimum views. Magagawa ba ninyo ito para sa akin? Ipamalita sa mundo, “Narito kami upang lupigin ang mga puwersa ng kaaway.”
“Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pana-nampalataya…” (Mga Taga-Efeso 6)
“Na siyang gumigiba ng mga maling haka, at ng bawa’t bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios…” (2 Mga Taga-Corinto 10:5)
Ito ay napaka-euphotic. ‘Gumigiba ng mga maling haka’ iyan ang mga taong nagkokomento ng negatibo. ‘At ng bawa’t bagay na matayog na nagmamataas laban sa karunungan ng Dios,’ ang kaalaman ng mana ng kapahayagan, kanila itong pinupuntirya. Kahit na sa aking pagiging Hinirang na Anak ng Panginoon.
“…At bumibihag sa lahat ng pagiisip sa pagtalima kay Cristo.”
Nais nilang pabulaanan kung bakit ako’y naging Hinirang na Anak ng Panginoon. Ano ang inyong maisasagot sa cyberspace sa YouTube? “Si Quiboloy ay hindi tunay na Anak ng Panginoon. Siya ay isang bulaang propeta.” Dapat meron isang tao mula sa Espirituwal na Sundalo ng Kabutihan ang magpadala ng mensahe at sasabihin sa kanila, “Siya ang Hinirang na Anak ng Panginoon dahil isa ako sa nasa kadiliman noon kagaya ninyo at ngayon ako ay naligtas sa pamamagitan ng pangangaral ng Hinirang na Anak.” Maging isang mandirigma. Lumaban. Tumayo. Sagutin ang mga taong nais na pabulaanan na hindi ako ang Hinirang na Anak ng Panginoon.
PAGSILANG MULI
SA ESPIRTU
Ang mga relihiyon at mga denominasyon sa Church Age ay tinatawag ang kanilang sariling mga born again, ngunit nang ako ay naging Hinirang na Anak ng Panginoon, tinatawag na nila akong nuls. Sinabi nilang sila ay born again. Kung born again kayo, meron kayong bagong Ama. Kung kayo ay naisilang muli sa espiritu, dapat meron kayong Espirituwal na Ama. Tinatanong ko kayo, sino ang inyong Ama sa espiritu? Mga Kingdom citizens, alam ninyo kung sino ang inyong Ama. Tinatanong ko itong mga mapagkunwari sa Church Age, na pinabulaanan ang aking mensahe na hindi ako ang Hinirang na Anak ng Panginoon dahil sa kanila, meron lamang isang Anak ng Panginoon; ngunit pinapahayag nilang sila ay isinilang muli sa espiritu.
Kaya tinanong ko sila, “Kung kayo ay isinilang muli sa espiritu, sino ang inyong Ama?” Kung kayo ay born again, dapat meron kayong isang Espirituwal na Ama at kayo ay dapat na mga espirituwal na anak. Kung kayo ay mga espirituwal na anak (kung sino man ang espiritung ito), kayo ang dapat na mga anak na lalaki at anak na babae sa espiritu na iyan. Hindi sila makasagot sa akin dahil ilalantad ko ang kanilang ama. Sino ang sumasalungat sa Salita ng Panginoon? Kaya hindi nila gustong tawagin akong Hinirang na Anak ng Panginoon dahil ako ay dedikado at tapat sa pagsunod sa Kalooban sa nagbigay sa akin ng Espirituwal na pagsilang – si Jesus Christ, ang aking Dakilang Ama.
“At nangahahanda upang maghiganti sa lahat ng pagsuway, kung maganap na ang inyong pagtalima,” (2 Taga-Corinto 10:6).
DEPENSAHAN ANG ANUMANG TAMA
May ganti sa lahat ng mga pagkamasuwayin kapag ang pagsusunod ay maganap. Kaya nagre-recruit ako sa lahat sa inyo na magsagawa ng ganti sa internet. Gusto ko ang ginawa ninyong set up sa kampanya ni Mayor Duterte. Kapag may isang tao ang maglagay ng negatibong komento laban sa kanya, may mga milyon-milyong tagasuporta ang dumepensa sa kanya.
Taga-Efeso 6: 13-18;
13 “Dahil dito magsikuha kayo ng buong kagayakan ng Dios, upang kayo’y ma-ngakatagal sa araw ng masama, at kung magawa ang lahat, ay magsitibay.”
14 “Magsitibay nga kayo, na ang inyong mga baywang ay may bigkis na katotoha-nan, na may sakbat na baluti ng katuwiran,”
15 “At ang inyong mga paa ay may panyapak na pagha-handa ng evangelio ng kapayapaan;”
16 “Bukod dito ay taglayin ninyo ang kalasag ng pananampalataya, na siyang ipapatay ninyo sa lahat ng nangagniningas na suligi ng masama.”
17 “At magsikuha rin naman kayo ng turbante ng kaligtasan, at ng tabak ng Espi-ritu, na siyang salita ng Dios:”
18 “Na magsipanalangin kayo sa Espiritu ng lahat ng panalangin at daing sa buong panahon, at mangagpuyat sa buong katiyagaan at daing na patungkol sa lahat ng mga banal,”
Kalasag ng Pananampalataya. Turbante ng Kaligtasan. Kailangan meron kayong kaalaman sa mga mana ng kapahayagan. Baluti ng Katuwiran. Dito, ang katuwiran ay ang pagsisisi at pagsusunod sa Kalooban ng Ama. Baywang na may Bigkis na Katotohanan. Ano ang katotohanan? Na kayo nga-yon ang anak na lalaki at anak na babae ng Ama. Walang makaalis niyan mula sa inyo.
KALASAG NG PANANAMPALATAYA
Maraming mga akusasyon ang magsiliparan, pawiin ang mga ito. Ang mga naninigas na suligi ng masama ay naroroon upang magdala ng kalituhan at pag-aalinlangan sa inyong isip dahil sa mga akusasyon na iyon. Hayaan ba ninyo ang demonyo na pahinain kayo? Hayaan niyo bang ang naninigas ng suligi ng masama ay makapasok sa inyong isipan? Hindi. Naroon ang Kalasag ng Pananampalataya. Sasabihin ninyo sa demonyo, “Hindi ko nauunawaan ang lahat ng bagay na ginagawa ng Panginoon sa aking buhay o sa buhay ng Hinirang na Anak ng Panginoon, ngunit demonyo, huwag akong lituhin dahil aayawan ko ang pagkalito. Aayawan ko ang pag-aalinlangan. Manampalataya ako sa Ama kahit anupaman. Ang aking puso ay buo na, ang aking isip ay nakapagpasya na.”n
Itutuloy…