Ni: Jonnalyn Cortez
Ngayong 2018, maaari n’yo nang simulan ang inyong hashtag travel goals dahil sa dumaraming visa-free countries para sa mga Philippine passport holders. Dahil nga ang Philippine passport ay nasa 67th ranking na sa listahan ng pinaka-makapangyarihan sa mundo, maaari na nating bisitahin ang 62 visa-free na mga bansa, ayon yan sa 2018 rankings ng Passport Index.
Mula sa 66 noong isang taon, tumaas ng isang rank ang ating bansa. Dahil dito, nadagdagan din ng isa ang maaaring bisitahing visa-free na bansa ng mga Pilipino na mula sa 61, 62 na ito ngayon.
Dahil diyan, hindi na tayo dapat kabahan na hindi maaprubahan ang ating visa application kung gustong magbakasyon sa dayuhang bayan.
Mga Visa-Free na bansa
Ilan na nga sa mga visa-free na bansa sa Asya, Africa, Oceania, Carribean, America, at Middle East ay ang mga sumusunod.
- Brunei 14. Fiji 27. Costa Rica
- Thailand 15. Mongolia 28. Ecuador
- Cambodia 16. Micronesia 29. Peru
- Vietnam 17. Mynmar 30. Suriname
- Hong Kong 18. Niue 31. Israel
- Cote d’Ivoir 19. Singapore
- Indonesia 20. Vanuatu
- Gambia 21. Dominica
- Laos 22. Haiti
- Morocco 23. St. Vincent and the Grenadines
- Macao 24. Bolivia
- Rwanda 25. Brazil
- Malaysia 26. Colombia
Ang Hong Kong ay isa sa paboritong travel destination ng mga Pinoy.
Mga bansang bibigyan ang dayuhan ng Visa-On-Arrival at E-Visa
Mayroon din namang mga bansang bibigyan ka ng pahintulot na pumasok sa kanilang bansa, ngunit bibigyan ka ng visa pagkarating mo sa kanilang airport o yung visa-on-arrival. Wala namang pre-application na kailangan dito, pero depende na rin kung may hihinging requirement ang bansa.
Kung nabayaran na ang mga kinakailangang visa fees na hinihingi, isang immigration officer ang magbibigay sa’yo ng visa sa iyong pagdating sa dayuhang bayan.
Ilan sa mga visa-on-arrival na bansa ay ang mga sumusunod.
- Maldives 46. Somalia
- Nepal 47. St. Helena
- Timor-Leste 48. Tanzania
- Cape Verde 49. Togo
- Comores Island 50. Uganda
- Djibouti 51. Cook Islands
- Guinea-Bissau 52. Marshal Islands 59. Nicaragua
- Kenya 53. Palau Islands
- Madagascar 54. Papua New Guinea
- Malawi 55. Samoa
- Mauritania 56. Tuvalu
- Mauritius 57. St Lucia
- Mozambique 58. Trinidad and Tobago
- Seychelles 59. Nicaragua
Ang pang 62 bansa naman na Sri Lanka ang nag-iisang bansa na may e-visa o ang pagbibigay ng visa sa bisitang dayuhan ay isinagawa sa pamamagitan ng internet.
Walang anumang klase ng sticker o stamp ang ilalagay sa passport ng byahero bago siya lumipad patungo sa rito. Sa halip, ang kanyang visa ay naka-encode na sa immigration computer at naka-linked sa passport number ng bakasyunista.
Hindi naman nakasama sa listahan ang Taiwan dahil kasalukuyan nasa 9-month trial period ang inisyatiba nitong maging visa-free na nagsimula noong Nobyembre ng nakaraang taon na tatagal hanggang Hulyo 31 ng taong kasalukuyan.
Sa mga bakasyunistang gusto naman bumisita sa mga bansang kailangan ng visa, hindi naman na ganoon kahirap mag-apply ng visa ngayon basta’t mapatunayan lamang na ika’y babalik at uuwing muli sa Pilipinas. Bukod sa iyong bank balance, importante ring maibigay mo ang buo at kumpletong detalye ng iyong source of income.
Ang isa pang maaaring paraan upang mabilis na makakuha ng visa ay ang mapatunayan na ikaw ay well-traveled person. At ito ay maaari mo nang simulan sa pagbisita sa 62 bansang nabanggit na visa-free.
Ang paglakas ng Pasaporte ng Pilipinas
Sa nasabing 2018 rankings ng Passport Index, nasa magkaparehong ranking ang Pilipinas, Zimbabwe at Zambia. Kaya’t ang mga mamamayan nito ay pare-pareho maaaring bumisita sa 62 visa-free countries.
Nasa pinakamababang ranking naman ang Afghanistan na nasa bilang 94 at may 25 visa-free na bansa lamang na maaaring bisitahin.
Inaantas ng Passport Index ang mga pasaporte sa buong mundo ayon sa cross-border access ng may hawak nito. Kasama rin sa ranking ang 199 iba pang bansa, 193 dito ay miyembro ng United Nation habang ang anim na bansa naman ay territories tulad ng Taiwan, Macao, Hong Kong, Kosovo, Palestinian Territory at Vatican. Ito ay dinebelop ng Arton Capital na isang Canada-based global consultancy.
Sa kabilang dako, sa 199 na mga pasaporte, nasa pang-72 naman ang Pilipinas sa pinakabagong Henley and Partners Visa Restrictions Index for 2018. Ito ay isang malinaw na pruweba sa pagsulong ng ating bansa mula sa ranking nitong 75 noong isang taon.
Sa katunayan, sa isang press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang kasalukuyang administrasyon ay nagtatrabahong mabuti upang mas maparami pa ang mga visa-free countries na maaaring bisitahin ng mga Pilipino.
“We are assuring everyone that our people at the Department of Foreign Affairs (DFA) will continue to work toward securing visa-free access of Filipinos to more countries,” aniya.
Kaya naman, mas malaki na ang tyansa ng mga Pilipinong malibot ang buong mundo at maaaring simulan ito sa pamamagitan ng pagbisita sa mga nabanggit na visa-free countries.