Ni: Jonnalyn Cortez
SUMASAILALIM ang marami nating kababayan sa micro blading o yung pagtatato ng kilay dahil ‘kilay is life’ nga raw. Ito ay kinokonsidera na semi-permanent makeup o cosmetic tattooing.
Maaari mo nang pakapalin ang manipis mong kilay sa tulong ng procedure na ito – makakatipid ka na sa oras ng pagme-make up, mukha pang natural.
Ngunit, katulad ng ibang medical procedures, ang pagsasagawa nito ay mayroon ding pros at cons.
Pros
Dahil nga semi-permanent, mawawala rin ang epekto ng micro blading sa loob ng lagpas isang taon. Sa pabago-bagong proseso ng pagpapaganda, maaari ka muling sumubok ng iba at hindi ma-stuck dito kumpara sa eyebrow tattoo.
- Nabubura rin ito sa natural na paraan at unti-unti.
- Mabilis gawin. Inaabot lamang ng dalawang oras at halos dalawang sesyon lang ang kailangan para sa proseso na ito. Kahit pa kailangan ng retouch, paminsan-minsan lang naman ito at kung kinakailangan lang.
- Siyempre pa, ikaw ang mamimili ng sarili mong style – mula hugis, kapal, at di lamang gagaya sa iba.
Cons
Gumagamit ang mga medical specialist ng fine blade para sa microblading. Ito naman ang humihiwa ng pinong-pino sa iyong balat. Sa katunayan halos 100 hiwa ang ginagawa nito. Sinasawsaw sa tinta at dahan-dahang kakayudin ang balat upang maglagay ng bagong kilay.
- Dahil dito, kailangang propesyonal na medical specialist ang gagawa sa’yo nito upang maiwasang magkamali.
- Kailangan ding siguradong malinis ang salon na pagdadausan ng prosesong ito upang makasiguro kang sterilized ang mga gamit dito at makaiwas na din sa inpeksyon.
- Kaya naman, suriing mabuti ang lugar na nais mong pagpapagawan ng micro blading.