PINAS

Baka tumakas sa farm para sumama sa mga Bison

Ni: Ana Paula A. Canua

MATAPOS mawala ng ilang Linggo, natagpuan sa isang hoard ng Bison ang isang baka na hinihinalang sumasama sa paglalakbay ng mga bison. Kumpara sa bison, maliit at maamo ang baka. Pinangangambahan naman na baka ikamatay ng baka ang pagsama sa grupo ng Bison sa matagal na panahon.

Sa ngayon, nasa maayos namang kondisyon ang baka. Inaalam pa kung anong dahilan ng pagsama ng baka sa mga bison. Ayon kay Rafal Kowalczyk, director ng  Mammal Research Institute at the Polish Academy of Sciences, isinilarawan nila ang  sitwasyon na  ‘exceptional’, dahil ito ang unang pagkakataon na nakaita nila.