PINAS

Bakit People Power Center?

Pinas News

MALALAPIT nanaman ang araw ng anibersaryo ng mapayapang rebolusyong ipinakita sa mundo ng mga Pilipinong tutol sa diktaturyang pamamahala—ang People Power Revolution.

Naging makasaysayan  ang panawagan ni Cardinal Jaime Sin sa sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng  Catholic radio station na Radyo Veritas na protekta-han ang noo’y miyembro ng gabinete at Philippine Constabulary  na bumaliktad na suporta sa pamamahala ng administrasyong Marcos—sina Fidel V. Ramos at Juan Ponce-Enrile laban sa pagtugis sa kanila ng mga militar kasunod na rin ng utos  ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Matapos ma-exile patu-ngong Hawaii ang pamilya Marcos ay naibalik ang demokrasyang hinihiling ng bayan, tanging ang EDSA na lamang siguro ang magsasabi kung ano ang kasaysayang nasaksihan nito sa panahong iyon.

Makalipas ang 32 taon, nais ni Ramos na magkaroon ng isang People Power Center na sesentro raw sa pagbabalik-tanaw, at patuloy na pag-alala ng makasaysayang rebolusyon sa bansa at nang sa gayon ay di raw ito malimot ng mga Pilipino at nang susunod pa na lahi.

Sa ngayon, monumento, mga rebulto, ilang video clips, larawan at mga aklat ang tanging nagbibigay ng alaala dito.

Ngunit, di pa rin maiwasan Ang mga tanong na, ano ang pakinabang nito sa kabuha-yan ng mga Pilipino? Di pa ba sapat ang mga ipinatayong mga iskultura, mga rebulto at pinta na umuugnay sa pagsariwa sa EDSA-1? Kulang pa ba ang ibinibigay na pondo ng gobyerno sa tuwing ito ay ginugunita taon-taon?

Bakit sa halip na People Power Center ang gagawin ay ilaan na lang sa pagpapaganda ng mga nauna nang mga ginastusan ng pamahalaan para maalala ang EDSA Re-volution? Bakit di magkaroon ng programa ang mga ito na makatutulong pa sa mga Pilipino na umunlad at matiyak na walang pagsisisi na inalis si Marcos dahil umunlad ang bansa at di lalong naghirap? Bakit di natin pasiglahin ang mga awiting may kaugnayan sa pagmamahal sa bayan upang mayroon tayong maipamana sa bagong henerasyon at darating pa? Bakit? Bakit? Bakit?…nagtatanong lamang po!