Ni: Vick Aquino Tanes
ANG dark spots ay karaniwang bunga ng matagal na pagkababad sa araw, hormonal imbalance, pagbubuntis, vitamin deficiency, kakulangan sa tulog at sobrang stress. Narito ang mga tips para mawala ang hiya-hiya sa hindi pantay na kulay ng balat.
Ipahid ang lemon juice sa dark spots
Gamit ang cotton balls, ipahid ang katas ng da-yap sa apektadong balat, patuyuin ito at saka banlawan ng tubig. Mayaman ang lemon sa vitamin C na nakapagpapa-puti ng kutis. Maari rin itong gawin sa tuhod at siko, upang mapantay at mapaputi ang balat.
Patatas
Balatan at hiwain ang patatas, ipatong sa dark spots ang patatas at haya-an ito ng 15 minuto. Banlawan ang mukha. Mayroong bleaching property ang patatas na nakapagpapaputi ng peklat, pekas at blemishes dahil sa tigyawat.
Aloe Vera
Ang aloe vera gel ay mayroong polysacchariades na nag-iistimulate ng growth ng bagong skin cells, ito ang magpapawala ng dark spots at pati na rin peklat sa balat. Gamit ang kutsilyo hatiin sa gitna ang aloe vera leaf, kayurin ng kutsara ang gel nito sa gitna. Ipahid ang nakuhang gel sa dark spots. Masahiin ng daliri sa loob ng 15 hanggang 20 minuto, saka banlawan ang balat. Ulitin ito ng dalawang beses sa isang araw.
Turmeric paste
Maglagay ng dalawang kutsarang turmeric at katas ng lemon. Haluin ito hanggang sa maging paste. Ipahid sa dark spots. Ha-yaan ito sa balat ng 15-20 minuto, saka banlawan.