PINAS

Erich Gonzales at Lovi Poe nagkasakitan

 

Ni: Beth Gelena

AYON kay Erich Gonzales nawindang daw ang lahat sa eksenang sampalan nila ni Lovi Poe, ang co-star niya sa ‘The Significant Other’. Naging kontrobersyal ang sampalan dahil totoo raw na nangyari kung saan pareho silang nasaktan.

Ayaw gawin ng dalawang aktres, pero hindi pumayag ang direktor na si Joel Lamangan na ‘di gawing totoo ang slap scene. After na magkasakitan ay pareho silang humingi ng sorry sa isa’t isa.

Kasama sina Dina Bonnevie at Snooky Serna sa movie at meron din silang eksenang sampalan. Ayon sa una malakas daw na dumapo sa kanyang mukha ang palad ni Snooky na hanggang sa matapos ay kanya pa ring ininda.