Ni: Edmund C. Gallanosa
MALAKI ang ginagawang paghahanda ngayon ng pamunuan ng Gilas Pilipinas sa pagbalangkas ng tamang direksyon patungo sa kumpetisyon ng pinakaprestihiyosong torneong basketball sa buong mundo, ang FIBA Basketball World Cup. Gayunpaman, daraan sa maraming pagsubok ang pambato ng Pilipinas bago pa man tumuntong ang taong 2023.
Kung mayroon mang ma-laking rason na ikagagalak ng ating mga kababayan, ibang koponan ang magbibigay sa atin ng bagong pag-asa para sa FIBA World Cup Championship. Pure excitement ang naghihintay sa mga fans ng Gilas, dahil sa darating na 2023, ang ma-laking kakulangan natin sa height, siguradong matutugunan na ngayon.
Ang tamang kombinasyon ng beterano at baguhan sa ating pambato ang siguradong magdadala ng magandang pag-asa para sa ating bansa.
Kilalanin ang ‘Top 10 picks’ na sa tingin namin ay magiging ‘lethal combination’ upang makapo ang matagal nang minimithi ng FIBA World Cup Championship.
#10. Bobby Ray Parks Jr. (6’4)
Ang pagiging agresibo niya sa depensa at opensa ang isang kwalipikasyon kung bakit nararapat makasama sa lineup si Bobby Ray na kasalukuyan ang namamayagpag sa iba’t ibang international tournament kasama ang current ABL tourney sa Asia. Isipin niyo nalang ang dadalhin nitong hassle sa pagsabak sa 2023.
#09. Jayson Castro(5’10)
Kung sakaling palarin mapasama sa lineup, siguradong hindi aatras sa hamon ang ‘Asia’s best point guard’ at PBA superstar na si Jayson Castro, at siguradong magi-ging kapanabik-nabik mapanood siya sa pagtimon ng ‘bagong henerasyon’ ng Gilas 2023
#08. Christian Standhardinger (6’7)
Minsan nang nagpasiklab ang Fil-German na si Stan-dhardinger at bumilib agad ang mga Filipino fans dahil sa ‘dugong pinoy’ nito sa pag-lalaro. Lalong aangas ang dating at diskarte ng Gilas kapag naisama si Christian sa lineup. May dugo man siyang German, malakas ang daloy ng dugo sa ‘pusong pinoy’ ni Christian.
#07. Matthew Wright (6‘4)
Kinikilala ngayon bilang legitimate ‘natural shooter’ ng Gilas at ng PBA, malaki ang tulong ginawa ni Matthew dahil specialty nito ang magpaulan ng sangkatutak na 3-pointers. Mas lalong madaragdagan ang kaniyang confidence sa outside shooting dahil hitik sa matataas na rebounders nga-yon ang team Pilipinas.
#06.Kobe Paras (6’6)
Pinaka-sensational at ina-abangan ng marami si Kobe Paras at tinuturing na nangu-nguna sa magbibigay sakit ng ulo sa mga kalaban. Inaasa-han na darami pa ang magiging fanbase ng team Phi-lippines, hindi lang ng mga Pinoy kun’di pati mga dayuhan ay inaabangang makitang maglaro ang Gilas dahil sa sensational na players na ito.
#05. Keifer Ravena (6’1) at
#04. Thirdy Ravena (6’2 ½)
Hindi makukumpleto ang Gilas team kung hindi mapapasama ang magkapatid na Keifer at Thirdy Ravena. Si Keifer ay gumagawa ng ingay sa PBA at hasa na sa international tournament at inaasahan na magiging pangunahing back-up kay Jayson Castro. Ang kapatid naman niyang si Thirdy ay player ng Ateneo Blue Eagles at inaasahang dadalhin nito ang liksi at galaw sa darating na FIBA 2023.
#03. AJ Edu (6’11)
Ang Fil-Nigerian na si AJ Edu ay inaasahang daragdag sa ingay ng mga Filipino fans sakaling makapag-laro siya sa 2023. Sa taas na 6-foot-11 ngayong 18-anyos pa lamang siya, maraming pahihirapan ito sa darating na 2023. Ngayon pa lamang ay marami na ang napapabilib niya lalo na nung makita siyang maglaro sa FIBA 3×3 Under-18 World Cup na ginanap sa Chengdu, China.
#02.Kai Sotto (7’2)
Next to Kobe Paras, marami ang nag-aabang na makita ang batang si Kai Sotto bilang parte ng Gilas 2023 team. Sa edad na 16-anyos ngayon, at taas na phenomenal na 7-foot-2, sino ba naman ang hindi mananabik makita ang batang ito. Ngayon pa lamang ay katakot-takot na improvement ang ipinapakita ni Kai hindi lamang sa pagdomina sa opensa, pati na rin sa depensa. Ang buong Pilipinas ay siguradong nakatuon ang atensyon sa ikinukunsiderang pinaka-malaking basketball line-up sa kasaysayan ng Pilipinas.
#01. Jordan Clarkson (6’5)
Kasunod nila Kobe Paras at Kai Sotto na kinasasabikang mapasama sa Gilas 2023 team, itong si Clarkson ang minimithi ng karamihan. Kasalukuyang nagla-laro sa NBA, noon pa man ay ninanais na niyang maglaro sa Gilas, dangan ngalang nauunsiyami dahil sa conflict of schedule sa kaniyang team. Pero bilang manlalaro, ani Jordan, ibibigay niya ang lahat makamit lang ng Pilipinas ang gintong medalya sa FIBA Championship.