PINAS

Flight nakansela dahil sa daga

Ni: Ana Paula A. Canua

KANSELADO ang isang flight paalis ng California dahil sa hindi inaasahang pasahero–isang daga.

Nangyari ang kanselasyon ilang minuto bago magtake-off ang eroplano, matapos mapansin ang daga sa cockpit ng eroplano.

Ayon sa Alaska Airline hindi lang basta daga ang kanilang nakita kundi isang malaking daga, kaya hindi maaring isaalang-alang ang kabuuan ng byahe.

“The plane is currently out of service,” pahayag ng Alaska Airlines. “It will be returned to operations once it’s certified rodent-free by a professional exterminator. The aircraft will also be thoroughly inspected to ensure no damage has been done.”

Agad naman na inasikaso ang mga apektadong pasahero dahil sa abalang nangyari. Nagbahagi naman sa Twitter ang mga pasahero at dinaan nalamang sa biro ang nangyari at sinabing  nakansela ang flight dahil sa pag-hijack ng isang daga.