PINAS

Ilang kumpanya, balak magsara dahil sa TRAIN Law

Ilang kumpanya, balak magsara dahil sa TRAIN Law

Ni: Kristin Mariano

TRAIN Law, NAKAKARAMDAN na nga ni Karen Cruz, isang call center agent, ang pagbabago sa kanyang sahod noong Enero. Mas mataas ng kaunti kumpara sa kanyang normal na sahod noong mga nakaraang buwan. Kasali kasi siya sa nakakuha ng income tax exemption batay sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) package.

Iba naman ang sitwasyon ni Arnold Marquez, manager ng parehong call center, mas tumaas kasi ang income tax niya. “Wala naman akong magagawa eh, iwasan nalang gumastos,” sabi niya.

Sa ilalim ng TRAIN, ilang empleyado ang lumaki ang “take home pay”. Ang iba naman ay nabawasan ang sweldo dahil sa mas mataas na income tax. Layunin kasi ng reporma sa buwis na ga-wing patas ang pagbubuwis sa mga manggagawa. Taasan ang bracket ng mga nakakakuha ng tax exemption at mas malaki ang income tax kung mas mataas ang sahod.

Ang hindi nila inaasahan pareho ay ang pagtaas ng bilihin na nakaapekto sa kanilang lifestyle. “Hindi na ako masyadong nagso-softdrinks. Mahal na eh!” sabi ni Karen. May ipinataw na mas mataas na buwis sa mga sugar-sweetened beverages tulad ng softdrinks at juices. Si Arnold naman ay nangangamba sa sobrang pagtaas ng gasolina. Malayo ang bahay niya sa opisina at mayroon siyang sariling sasakyang ginagamit papunta at pauwi galing sa opisina. Ilan lamang ito sa mga epekto ng TRAIN Law.

Multinational companies, magsasara sa Pinas?

Iba naman ang pananaw ng ilang multinational companies sa bansa. Pinangangambahan ng ilang kumpanya na baka umalis ang kanilang mga skilled workers at mag-desisyong lumipat sa ibang bansa kung saan mas mababa ang income tax. Ayon sa Phi-lippine Association of Multinational Companies Regional Headquarters Inc. (PAMURI), kung sasaluhin nila ang bagong ipinataw na income tax, tataas ang kanilang ope-rating cost ng 5%-7%.

“There is no real transition period between the veto and the issuance of the law. Businesses don’t like that because they want the predictability so they can plan it in the future,” ayon kay John Forbes ng American Chamber of Commerce of the Philippines.

May plano ring tanggalin ang kasalukuyang 10% incentive ng multinational companies sa ilalim ng ikalawang tax reform package. Ayon sa source ng ABS-CBN, pinag-iisipan ng tatlong multinational companies na isara ang opisina sa Pilipinas dahil sa pag-alis sa exemption na ito.

Umapila ang PAMURI sa Department of Finance sa probisyong ito ng TRAIN dahil sa epekto nito sa mga negosyo. Ayon kay John Forbes, maaa-ring umalis ang ilang kumpanya sa bansa, maaari ring hindi na sila mag-expand, o kaya ang mga bagong kumpanya ay mag-desisyon nang hindi na mag-invest sa Pilipinas at lumipat sa ibang bansa tulad ng Malaysia at India.

Sa nakaambang pagsasara ng mga kumpanya, pina-nga-ngambahan na maraming Pilipino ang mawawalan ng trabaho at maaaring tumaas ang unemployment rate kung maraming multi-national companies ang mag-pullout sa bansa.

 

Mas maraming benepisyo – gobyerno

Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), ipinatutupad lamang nila ang batas at utos ng pangulo na gawing patas ang pagpapatupad ng buwis sa lahat ng empleyado. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “It will spare 99 percent of our population from the payment of income taxes because those earning not more than P250,000 per annum will now be tax exempt.”

Paliwanag ng palasyo, “For instance, a minimum wage earner with P12,000 monthly salary or a clerk receiving a P15,000 salary per month will now be tax exempt. Even a call center agent, who earns P21,000 monthly but used to file a P22,000 annual income tax return, will also be e-xempted. On the other hand, a public hospital doctor with P57,000 monthly salary who used to pay P138,000 in taxes will be able to save P48,000 from taxes.”

May tulong din ang TRAIN Law sa mga small- and micro-entrepreneurs. Binaba ang kanilang tax rate sa 8% ng gross sales sa kabila ng mga tax exemptions.

Pinabulaanan din ng gobyerno ang mga batikos na mas lalong nagpapahirap ang TRAIN sa mga mahihirap. Mayroong nakalaan na pondo para sa cash transfers sa pinakamahihirap upang makatulong sa epekto ng tax reform law. “There is cash transfer provided in the law itself. Ten million households will receive cash transfer of P200 per month in 2018 and P300 per month in 2019 and 2020,” ayon kay spokesperson Roque.

Samantala, 70% ng buwis na makoko-lekta ng gobyerno sa ilalim ng tax reform law ay mapupunta sa Build, Build, Build Program para sa iba’t-ibang proyekto sa imprastraktura ng gobyerno hanggang sa katapusan ng kanyang termino sa 2022. Ang natitirang 30% ay mapupunta sa mga proyektong pang-edukasyon, pang-kalusugan, pabahay, at iba pa.