Ni: Jonnalyn Cortez
MULING nagbabalik sa merkado ang Japan beauty products o tinatawag na J-Beauty pagkatapos itong matabunan ng Korean pro-ducts o K-Beauty noong isang taon. Katulad nga ng kasabihan, marami sa atin ang kinain ng Korean nobelas, kaya naman marami ring mga Pilipino ang tumangkilik maging sa mga produkto nito.
Muling bumabangon ang ekonomiya ng Japan at handa na ulit makipagsabayan sa larangan ng pagpapaganda. Ang Shiseido at Shu Uemura ang ilan sa mga kilalang brand ng Japan na napatumba ng Korean products.
Nagsisimula na nga mu-ling magpakilala ng bagong produktong pangpaganda ang naturang bansa at unti-unti na rin itong sumisikat. Ilan na nga rito ang mga brands na Decorté na pino-promote ng kilalang model na si Kate Moss at Addiction, Kate at Natura Glace na ginagamit naman ng isang makeup artist sa Hollywood na si Jillian Dempsey.
Kumpara nga sa K-beauty, mas simpleng gamitin ang mga J-beauty products, ayon sa co-founder ng BeautyMart na si Anna-Marie Solowij.
Dagdag pa, puro pa-cute at instagrammable lamang daw umano ang mga produktong pangpaganda ng Korea na kailangan pang gumamit ng 10 klase nito upang makamit ang ninanais na “glass skin” o yung kumikinang na puting kutis.
Kabaligtaran naman nito ang J-beauty sapagkat mas simple raw ang paraan ng paggamit nito, mas ma-rangya at mas tradisyunal. Sinasabing gagawin ng Japan na mas compact ang mga produkto nito upang mapanatili ang kasimplehan at madaling paggamit ng nasabing produkto.