• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Monday - February 18, 2019

PINAS

Ang Bagong May-ari ng Mundo (Ikatlong Bahagi)

Sonspeak

Recent News:

  • Pag-iimpok ay paglago ng ekonomiya
  • Ang Bagong May-ari ng Mundo (Ikatlong Bahagi)
  • Ms. Universe 2018 Catriona Gray, dumalo sa NFL honors
  • Mga atleta ng Pilipinas, naghahanda na para sa 2019 Southeast Asian Games
  • Build, Build, Build Program, naantala dahil sa kakulangan ng trabahante ayon kay Pang. Duterte
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Internasyonal
  • Probinsyal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • Buhay
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • OFW
  • Opinyon
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Ken Chan, naniniwalang may forever

February 19, 2018 by Pinas News


Ni: Rommel Placente

WALANG intensiyon si Ken Chan na ma-ging third wheel sa relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto. Naging sweet man daw si Ken kay Barbie ay walang ibig sabihin yun.  On a professional level lamang daw ito. Pero inamin ng binata na minsan ay nagkaroon siya ng pagti-ngin kay Barbie, pero mas nangingibabaw daw ang pagiging magkaibigan nila at ni Jak. Paminsan-minsan daw ay sumasagi sa isip ni Ken kung bakit hindi niya niligawan si Barbie noong single pa ito.

Sabi ni Ken, “Minsan, naiisip ko, ba’t ko ba hindi ginawa? Hindi ko alam, kasi siguro mas naniniwala ako na ayokong masira ang relationship namin ni Barbie bilang magkaibigan. Kasi, kapag pinasok namin yung relationship namin na mag-on, mag-girlfriend-boyfriend, may posibilidad na masira.”

Kinontra naman ni Ken ang sinasabi ng iba na hina-yaan niyang mapunta sa iba si Barbie.

“Hindi ko naman hinayaan na mangyari yun. Na kay Barbie naman kasi yun. Parang sabi ko nga, mas gusto kong mapanatili ang friendship namin ni Barbie, kaysa maging boyfriend-girlfriend kami. Kasi naniniwala ako na may forever sa friendship.”

JAK AT KEN, SOBRANG OKEY

Hindi kaya mag-react si Jak sa sinabi niya?

Nakatawang sagot ni Ken “Sabi ko kay Jak, bro, pahiramin mo muna ako, ha?, wala, walang problema. Sobrang okey kami ni Jak at suportado niya ang love team namin ni Barbie. Alam ni Jak na magkaibigan kami ni Barbie, at nirerespeto ko naman yung relationship nila.

Sinabi pa ng gwapong si Ken na hindi kailangang pumasok ito sa personal na relasyon ng dalawa. Basta aniya, ay masaya ito sa pagiging magkakaibigan nila ni Barbie at Jak at sa working relationship nilang lahat.

Naiinggit ba siya sa rela-syon ng dalawa?

Pag-amin ni Ken,”Hindi, hindi ako naiinggit. Pero later on, nakakainggit din pala talaga. Alam na namin yun sa isa’t isa na nagkakaintindihan na kami na para sa trabaho lang. Alam naman niya na sobrang close lang kami ni Barbie, na parang magkapatid na kami.”

STAY AS SINGLE MUNA

Sa ngayon ay walang karelasyon si Ken. Pero nagkaroon na rin naman siya ng apat na girlfriend before. Ipinaliwanag niya kung bakit ayaw pa niyang pumasok muna ulit sa isang relasyon.

“Kasi yung last relationship ko, ang nangyari nun, dahil sa time, e. So, feeling ko, pag itinuloy ko, magkaroon ng commitment ulit, feeling ko hindi magwo-work because of time. So ang hirap din e. So, tama lang na wala munang commitment.”

BIKTIMA NG CYBERBULLYING

Samantala, aminado si Ken na kagaya ng ibang artista, biktima rin siya ng cyberbullying. Bukod sa pagdududa sa kanyang sekswalidad, minaliit din ang kanyang kakayahan bilang artista at pinagbintangan pang may gay benefactor diumano siya.

Sabi ni Ken, “Lalo na nung nag-uumpisa ako sa showbiz, na-bully ako. Sabi nila, wala raw akong mararating. Sino ba naman ako, bigla lang daw sumulpot. Wala raw akong kuwentang umarte. One of those na naman daw. Masakit nung una. Kasi, bilang baguhang artista, mapanghihinaan ka ng loob. Tsaka di naman ako sanay sa showbiz nung nag-umpisa ako.”

Sinabi ni Ken na walang sinisino ang netizens ngayon at nagkukubli ang mga ito sa mga pekeng identity upang makapang-bash ng ibang tao. Pero may mga pagkakataon daw na na-meet niya ang kanyang bashers.

“Kunwari ako, may nang-bully sa akin, sobrang binu-bully niya ako sa Internet, kung anu-ano ang sinasabi niya. Pero nung nakaharap ko siya, andiyan siya. Tahimik siya. Tameme. Yun yung sinasabi ko, parang naka-mask sila. Yun yung pinanghahawakan nilang kapangyarihan, yung Internet. Pero kapag kaharap mo sila, pag andiyan na, ‘uy, kamusta? Ginaganun ko sila.”

Kuwento pa ni Ken, napag-usapan daw nila ng mga kapwa niya artista  kung paano ang epektibong pakikitungo sa mga bashers.

“Nag-usap-usap kaming magkaka-close, hindi na lang daw nila pinapansin. Bakit pa? Ang pinakamagandang gawin mo, bilang celebrity,  pinakapanlaban mo sa kanila is silence. Mas maiinis sila pag di mo sila papansinin. Yung iba, ginagawa nila yun para magpapansin. Mas marami pang importanteng bagay na puwede mong gawin kesa pumatol sa opinyon ng iba, sa mga bashers,” pagtatapos ni Ken.

Related posts:

  • Sunshine, happy at proud sa “Wildflower”  
  • James at Nadine “forever” na mamahalin ang isa’t isa
  • Ina Raymundo, nararamdaman na ang challenge ng parenthood
  • Angelica Hale, pasok na sa finals ng America’s Got Talent
  • Angelica, nangako na mamahalin ang kanyang sarili

Showbiz Slider Ticker Barbie Forteza Jak Roberto Ken Chan Naniniwalang may forever Rommel Placente

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2019 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.