Ni: Wally Peralta
WALANG reklamo si Katrina Halili kahit anong role ang ibigay sa kanya ng GMA-7. Kahit pa sabihin na always kontrabida lagi ang kanyang ginagampanan. Para naman kay Katrina, mas feel niya ang maging character actress kaysa magbait-baitan sa mga roles niya. Pero ang tanong, hindi kaya manawa naman ang ka-nyang mga supporters sa pagiging always kontrabida niya sa mga ginagampanan? Tulad na lang sa bago niyang project sa Kapuso Network, ang “The Step Daughters”, si Katrina ang primera kontrabida samantalang si Megan Young ang bida.
“Yung mga roles naman na ibinibigay sa akin talagang ini-screen ko ng mabuti na wag sanang matulad sa ibang nagawa ko nang kontrabida roles,” ang bungad ni Katrina.
“Dito kasi sa “The Step Daughters”, kakaiba naman ang ginawa kong pagiging kontrabida. Dito kasi hindi yung tipong bad girl ako na iniiyakan lang ng bidang babae pag inaapi ko. Palaban ang karakter ni Megan kung kaya bago ito sa akin. Syempre kailangan ipakita ko sa mga manonood na kering-keri ko labanan ang isang matapang din na bida.
“Isa pa, yung director namin ay bago din lang kaya pagdating sa pagiging isang director, may ibang atake rin siya, yun!”
“Madetalyadong director siya. Tinitingnan niya rin ang mga galaw ng aming mga kamay, pati na rin ang facial expression.”
Sarap na sarap sa pag-upak
Hindi rin bago para kay Katrina na maraming pisikalan sa kanyang project. Kadalasan kasi sa ginagawa niya, highlights yung pisikalan o sakitan nila ng bida. Dito sa bagong show ni Katrina, hindi kaya maiiwasan na magkasakitan silang dalawa?
“Hindi naman kami darating sa point na magkakasakitan kami, kasi bago kami magstart ng taping ay nagworkshop kami, nagkatanungan kami ni Megan, kung paano namin gagawin ang sakitan at sampalan.”
“Sabi ko naman kay Megan na sanay ako sa fake, pero nang magtaping kami ng isang eksena na may sampalan agad, siya na mismo ang nagsabi sa akin na ‘Kat, hindi ako sanay ng fake’. Sabi pa niya, ‘totoo na lang ang sampalan natin’ kasi ang haba noong scene na yun, pag nagkamali dahil sa isang sampal ay uulitin yun na pagkahaba-habang eksena.”
“Okey naman, naging maayos naman ang kinalabasan. Saka after that may mga pisikalan scenes pa rin kaming ginawa at lahat yun ay walang take two.”
“Saka hindi lang naman ako ang nananakit sa eksena. Ang maganda rito, palaban ang karakter ni Megan, hindi lang yung paapi kundi palaban siya. Pala-answer siya, kaya ang sarap niyang upa-kan, ha ha ha ha!!!”
May eksena na kaya dahil sa totohanan ang kanilang pagganap at laging take one lang, nagkakasugatan na rin kaya silang dalawa? To the point na hindi lang nila ipinahahalata after takes?
“Wala pa naman, wala pang ganun nangyari.”
“Pero abangan na lang natin sa susunod na upakan, ha ha ha ha!”
“Pinag-uusapan kasi namin after fight scenes, nagtatanu-ngan kami kung ‘natamaan ba kita?’, something like that, ‘kung nasaktan ba kita?’
“Masarap katrabaho si Megan, mabait siya, magaan siyang kasama kung kaya happy talaga kami sa set kahit pa sabihin na halos karamihan sa nagawa na namin ay may pisikalan. Parang kapatid na rin kasi ang turingan namin ni Megan.”
Puwersahan na
Matagal-tagal nang walang lovelife si Katrina, huli niyang naging karelasyon ay ang ama ng kanyang anak, si Kris Lawrence. Hindi kaya naghahanap na rin siya ng magiging katuwang sa buhay lalo na at hindi na rin naman siya bata pa?
“Wala talaga eh, hindi rin naman ako naghahanap, okey lang yun!”
“Siguro pag 35 na ako at wala pa rin akong boypren, 32 years old pa lang ako ngayon kung kaya may 3 years pa ako for myself. At pagdating ko sa edad na 35 at wala pa rin akong karelasyon, ay naku, magpapahanap na talaga ako.”
“At magpapatawag ako ng presscon para sabihin lang na naghahanap ako ng makaka-date, ha ha ha ha!”
Wala nang balikan, period
Andiyan naman ang dati niyang partner na si Kris, at lagi rin naman itong dumadalaw sa bahay nila para mabisita ang anak. May chance kaya na magkabalikan silang dalawa, lalo pa’t binata pa rin hanggang sa ngayon si Kris?
“Wala ng balikan, period!”
“Kasi po okey na okey na kami ngayon ni Kris, were friends, friends lang talaga.”
“Dumadalaw-dalaw siya sa anak namin, pero hindi siya natutulog sa bahay. Walang pagbabago sa set-up namin dalawa ni Kris pagda-ting sa aming baby.
Open siyang makasama ang anak namin.”
Walang sisihan
“Simula kasi nang nagka-anak ako, pinilit kong huwag gumawa ng isang bagay na baka isang araw sa paglaki niya ay isumbat sa akin. Na-ging lakas ng loob ko yung anak ko, para sabihin sa sarili ko na hindi pwedeng makitaan ako ng anak ko na kung sinu-sinong boys ang umaakyat ng ligaw sa bahay namin.
Ayokong pagdating ng isang araw ay pagsasabihan ako ng anak ko na ‘ginagawa mo yan’, parang hindi ko keri yun, ‘ayoko’.”
“I’m worried about sa kung anong magiging impression niya sa’kin kung makikipagrelasyon ako. Ka-ya happy na ako sa pagiging single.”
Paano kung maghanap na ng kapatid ang kanyang unika hija?
“Ha? Kaya nga nagha-hanap lagi ako ng makakalaro niya. Ha ha ha ha!”
“Sa iskul, kaya nga pinag-aral ko na siya para marami siyang makasamang mga bata tulad niya at maging kalaro!”