PINAS

Korean actor gustong makatrabaho sina Sarah Geronimo at Erich Gonzales

Ni: Beth Gelena

BIG fan pala ng Korean actor na si Jin Ju Hyung sina Sarah Geronimo at Erich Gonzales at ibig daw niyang makatambal ang mga ito lalung-lalo na si Sarah.

Nasa Pilipinas si Jin Ju para sa contract signing niya sa Viva kung saan sila ang mamamahala para sa Philippine career ng Koreano.

Si Jin Ju ang Korean actor sa teleseryeng Hwarang na katatapos lang ipalabas sa ABS-CBN.