PINAS

Mag-amang tribal leader sa Davao Del Norte, pinatay umano ng mga miyembro ng NPA

Pinas News

ISANG tribal datu at anak nito ang umano’y pinatay ng mga nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Talaingod, Davao Del Norte.

Kinilala ang mag-amang biktima na sina Datu Banadjao Mampaundag at anak nito na si Jhonard Mampaundag.

Pinatay ang mga biktima dakong alas kuwatro ng madaling araw kahapon ng pasukin ng mga rebelde ang kanilang bahay at pinagbabaril.

Nabatid na nagpanggap ang mga suspek na mga sundalo kaya nakapasok sa bahay ng mga biktima.

Bukod dito, nagtanim pa ng IED ang mga rebelde kaya hindi agad nakapasok ang mga nagrespondeng medical team ng pamahalaan.