PINAS

Maine Mendoza nagpaka-fan girl kay Carlo Aquino

Ni: Beth Gelena

FAN girl rin pala itong DubSmash Queen na si Maine Mendoza.

Dumalo si Maine ng premiere night ng movie nina Carlo Aquino at Bela Padilla, ang ‘Meet Me In St. Gallen’. Kilig-to-the-bone ang Kapuso star nang makita si Carlo, kaya naman pala ay dahil big fan siya ng aktor. Agad siyang nagpakuha ng picture with Carlo at ipinost sa kanyang Twitter account with matching caption ‘pwede mag-fan girl?’

Kesehodang hindi taga-Kapamilya network ang dalaga ay keber sa kanya.  Isa siya sa surprise guests celebrity na dumating para suportahan ang director ng movie na si Irene Villamor na nakatrabaho niya sa kanyang mother network.