PINAS

Mga natural remedies sa balat na matatagpuan sa kusina

Ni: Jonnalyn Cortez

PANGARAP nga malamang lahat ng tao ang magkaroon ng magandang kutis. Pero s’yempre, upang makamit ito, kailangan nating bumili ng mga produktong pangpaganda. Paano naman kung kulang sa pera? Ngayon, di mo na kailangang mag-alala dahil halos lahat ng kailangan mong pampakinis at pampaputi ay matatagpuan mo lamang sa iyong kusina.

Lemon

Sinasabi ngang ang lemon ay mayroong best ingredients na maaaring magbigay sa’yo ng makinis at maputing kutis. Mayroon itong citric acid na nagtatanggal ng dead skin cells. Busog rin ito sa Vitamin C at bleaching properties na s’ya namang magpapaputi sa iyong mga dark spots.

Aloe Vera

Kilala na ang aloe vera bilang epektibong panggamot sa sunburn. Bukod riton, ginagamit din itong pangpalago sa buhok at moisturizer. Sa katunayan, madaming produktong pangpaganda sa merkado ang hinahaluan ng aloe vera dahil sa healing at bacteria-fighting properties nito.

Pipino

Halos puro tubig naman ang nilalaman ng pipino, kaya’t meron itong natural properties na i-hydrate at i-nourish ang inyong mga balat.

Meron din itong astringent properties na makakatulong upang ika’ya magkaroon ng malinis na balat. Maaari din itong makatulong sa mga skin irritations, ayusin ang mga nasirang skin cells, at tanggalin ang mga dead skins na s’ya naman magbibigay ng glow sa iyong mukha.