PINAS

Nagnakaw ng bulto-bultong orange!

Ni: Ana Paula A. Canua

Hindi pera o alahas, kundi prutas ang nakumpiska ng mga pulis matapos maharang ang sasakyan ng mga magnanakaw sa syudad ng Seville, Spain.

Naglalaman ang dalawang kotse at isang van ng halos apat na toneladang oranges.

Ayon sa mga pulis, naghinala sila dahil biglang umiwas ang mga sasakyan matapos makita ang romorondang patrol cars.

Matapos maghabulan, nahuli ang mga suspek at bumulaga sa mga pulis ang bulto-bultong orange na hindi pangkaraniwang ninanakaw.

Napag-alaman naman na ninakaw ang mga orange sa isang warehouse sa Carmona Spain. Diretso naman sa kulungan ang limang suspek