Ni: Jonnalyn Cortez
Salungat sa paniniwalang may masamang epekto ang pagbibisikleta sa mga lalake, may bagong pag-aaral na nagpapatunay na wala itong negatibong epekto sa sexual at urinary health ng mga kalalakihan.
Sa pagsusuring ginawa ng Department of Urology, University of California-San Francisco, pinapatunayan nitong mas maiiwasan ng mga lalake ang ganitong uriĀ ng mga sakit sa pamamagitan ng pagbibisikleta.
Ang pag-aaral ay kinabila-ngan ng tatlong klase ng athletic groups na mga cyclists, swimmers, at runners, upang makita ang epekto ng mga ganitong uri ng sports sa sexual at urinary function ng lalake.
Napag-alaman ng research team na nasa likod ng pag-aaral, na pinangungunahan ni Benjamin Breyer, na sa pangkaraniwan, ang sexual at urinary health ng siklista ay hindi nalalayo o mas malala kesa sa mga swimmers at runners. Bagaman ang mga lalakeng nagbibisikleta ay nalamang mas madaling magkaroon ng urethral strictures.
May mga nakaraang pag-aaral din na nagsasabing ang pagbibiseklet ay may negatibong epekto sa erectile function ng mga lalake. Dahil ito sa matagalang pressure na naibibigay sa kanilang perineum na nagreresulta ng micro-trauma.
Kaya, pinapayuhan ang mga lalakeng siklista na tumayo 20 percent ng oras ng kanilang pagbibisikleta. Makakatulong ito upang mabawasan ang posibilidad na magkaroon ng pagkamanhid sa ari. Maaari ring i-adjust ang taas ng handlebar o ng saddle upang maiwasan ito at ang tinatawag na saddle sores.