• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Tuesday - January 26, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

DoH at PAO, bakit kaya hindi na lang magtulungan para matapos na ang problema sa Dengvaxia?

February 28, 2018 by Pinas News


 

Ni: Jun Samson

NATAPOS na ang unang bahagi ng pakikipagdayalogo o pakikipag-usap ng Department of Health sa pangunguna ni Secretary Francisco Duque III sa mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengva-xia.

Sa nasabing pulong ay personal na humingi ng paumanhin si Duque sa sampung magulang dahil sa naging pagkukulang umano ng DoH.

“May kasunduan na po ang DoH at ang mga ospital na maaaring pagdalhan ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia at daranas ng sakit”, pahayag ni Secretary Duque.

Inanunsyo rin ng kalihim na mamimigay sila ng dengue kits sa mga magulang ng mga batang naturukan ng Dengvaxia. “Ang dengue kit po na aming ipamamahagi ay isang maliit na bag na nag-lalaman ng insect repellant, multivitamins, thermometer, kulambo, sabon at first-aid kit, at papel na naglalaman o nakasaad ang numero ng DoH Central at Regional Office na maaring tawagan”, dagdag pa ni Duque.

Bukod diyan ay pinaplano rin ng DoH na bigyan ng dengue kits ang mga magulang ng mga nabakunahan ng anti-dengue, pero mangangaila-ngan umano ang kagawaran ng karagdagang pondo.

“Sa kasalukuyan ay napagdesisyunan ng DoH na susulat kami sa Office of the President para magamit namin na panggastos ang ilang bahagi ng mahigit sa isang bilyong piso na ibinalik ng Sanofi Pasteur para sa karagdagang mga dengue kits at para na rin tulungan sa aspetong pinansyal ang mga magkakasakit na batang naturukan ng Dengvaxia,” pahabol pa ni Duque.

Pero hanggang saang aspeto at hanggang kailan tutulong ang DoH sa mga sinasabing biktima ng Dengvaxia?

Kung mapapansin ay hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang senate at congressional hearing sa isyu? Kailan ito matatapos, sinu-sino ang mga makakasuhan at wala kayang sisinuhin?

Ang tanong nga ng karamihan ay hindi kaya napupulitika na ang isyu? Marami na daw kasing mga pulitiko ang tila nakikisawsaw lang sa problema at nagmamagaling lang, lalo pa at napapanuod sila on national TV.

Isa pa sa tanong ay bakit hindi na lang magtulu-ngan ang DoH at ang Pu-blic Attorney’s Office para matukoy ang tunay na pinag-ugatan ng problema para masolusyunan na ang problema at kahit paano ay mabawasan man lang kahit konti ang pangamba ng mga magulang ng mga batang naturukan ng Dengvaxia?

Tutal naman ay iisa lang ang kanilang layunin ‘di po ba? Ang mabigyang solusyon at katarungan ang mga umano’y biktima at matapos na ang hysteria ng sambayanan. Kawawa naman kasi ang mga biktima dahil namatayan na sila at parang nagagamit pa sila para sa interes ng iba?

Ang DoH ay may mga kinuhang clinical pathologist para mag-autopsy sa mga batang hinihinalang namatay dahil sa Dengvaxia. Ang PAO naman ay may mga forensic experts na sumusuri din sa mga hinukay na bangkay. Lumawak tuloy ang problema dahil magkaiba ang resulta ng otopsiya na ginawa ng DoH pathologists at PAO forensic experts.

Saan kaya hahantong ang usapin na ito at kailan kaya makakamit ng mga namatay at kanilang mga naulila ang tunay na hustisya? Sabi nga nila ay pampalubag loob na lang kung mapapanagot sa batas ang mga nagkasala sa nangyari.

Related posts:

  • Dengvaxia, napupulitika nga
  • Resignation o dismissal!
  • Paano na ang mga tunay na biktima ng Martial Law noong 1972?
  • Eleksyon o ekstensyon?
  • BoC, hugas-kamay sa pagtaas ng presyo ng commercial rice

Opinyon Slider Ticker Dengvaxia Department of Health DOH Francisco Duque III Jun Samson PAO

Reader Interactions

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.