PINAS

Pasahero balak isama ang alagang peacock sa flight

Ni: Ana Paula A. Canua

New Jersey USA – Kuhang-kuha sa video ang isang peacock sa loob ng airport ito ay matapos magtangka ang isang pasahero ng eroplano na isama sa flight ang isang alagang ibon.

Ayon sa Newark International Airport, binook ng sariling flight ticket ng pasaherong si Sherri Ross ang kanyang alagang peacock at sinama sa loob ng airport. Ngunit hinaharang agad siya ng airport personnel dahil bawal ang hayop sa loob ng paliparan.

“This animal did not meet guidelines for a number of reasons, including its weight and size,” pahayag ng paliparan. “We explained this to the customers on three separate occasions before they arrived at the airport.”

Wala namang nagawa ang pasahero kaya nagdesisyon na lamang na hindi sumama sa flight at samahan ang muna ang alaga pauwi.