Ni: Beth Gelena
MULA nang tinanghal na Miss Universe 2015 si Pia Wurtzbach ay natuluy-tuloy na ang kanyang swerte.
After niyang ilipat ang korona sa 2016 Miss Universe ay dagsa pa rin ang mga offer para sa kanya hindi lang sa pag-endorso ng mga commercial kundi ang paggawa ng pelikula.
After ng The Revengers Squad, heto at umaarte na naman siya sa harap ng kamera kasama si Gerald Anderson, ang My Perfect You direct by Cathy Garcia Molina.
May mga beauty queens kasi na pagkatapos ng kanilang termino ay nawawala na sila sa limelight. Pero sa case ni Pia depende raw ‘yun sa path na nais tahakin ng beauty queen.