Ni: Beth Gelena
NA-MISS ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach ang pagrampa kaya naman tuwang-tuwa siya nang i-announce ng Sherri-Hill brand sa kanilang social media na isa siya sa rarampa para sa 2018 New York Fashion Week.
Agad na ipinost ng former beauty queen-turned actress ang magandang balita sa kanyang social media account. Ayon kay Pia, February 2016 pa siya unang rumampa sa NYFW.
Samantala, habang waiting si Pia sa pagrampa ay busy muna siyang nagsu-shoot ng pelikula nila ni Gerald Anderson ang ‘My Perfect You’ na ang direktor ay si Cathy Garcia Molina.