PINAS

Pinay Tennis Player Eala, kampeon sa France

Ni: Noli C. Liwanag

KINILALA at nagwagi bilang kampeon ang 12-anyos na Filipina tennis star Alex Eala sa Les Petits As-Le Mondial Lacoste Girls Singles Championship na ginanap sa Tarbes, France.

Tinalo ni Eala si L. Noskova ng Czech Republic sa score na 5-7, 6-3, 7-6.
Siya ang nanguna sa singles player sa under-14 age bracket ng Asian Tennis Federation.

Target ni Alex na lumaban sa Grand Slam junior kapag ito ay umabot na sa edad 13 sa buwan ng Mayo.

Noong 2017 ay nakapaglaro na ito ng 15 tournaments na umabot sa finals ng Orange Bowl Tennis Championship 12 sa Coral Gables, Florida.

Kasalukuyang 7th grader si Eala sa Colegio San Agustin.