PINAS

Protektahan ang perang Inipon laban sa Bank Account Hacking

Ni: Ana Paula A. Canua

HALOS lahat sa atin ngayon ay gumagamit na ng internet para magbayad ng bills, magpa-reserve sa hotel o restaurant, bumili ticket at  mga gamit pati na rin ang mag money transfer. Mas pinadadali ng online banking ang proseso sa pagbili at pag-iipon, kaya naman marami sa atin ang tinatangkilik ito.

Simple lamang, hindi na kailangang pumila at magpresent ng valid ID, tanging account information lamang ang kailangan upang ma-access ang  lahat ng online transactions na ito sa credit, debit card payments o kahit sa money transfer.

Upang maprotektahan ang pera at ipon ng mga kliyente ng bawat banko, mayroong security encryption na sinusunod ang mga ito.

Ngunit gaano man kahigpit ang seguridad nagkakaroon pa rin ng paraan ang mga masasamang loob tulad ng mga sindikato para makuha at manlimas ng pera ng iba.  Narito ang ilang uri  ng bank account hacking at kung paano makakaiwas dito.

 

  1. Ito ay paraan ng paghack ng password at login details gamit ang isang website. Ang phish websites ay pekeng mga websites na karaniwang kinokopya ang mga original na websites. Ngunit paano malalaman na nasa phish website ka pala? Ang tanging paraan lamang ay suriing mabuti kung tama ba ang address bar link o ang mismong pangalan ng URL. Paano makakasigurado na nasa original kang URL? Maaring mag-install sa inyong computer o cellphone ng web security tool bar gaya ng AVG at Crawler Web security tool bars, ilan lamang ito sa mga online security measures na maaring gawin.

 

  1. Isang uri ng computer virus na maaring makakuha ng inyong impormasyon.  Maari kayong mabiktima ng Trojans sa dalawang paraan; ang keyloggers at RATs o remote administration tools. Ang keylogger  ay paraan ng mga hackers kung saan namomonitor nila  ang galaw sa inyong keyboard at ang lahat ng inyong  pinindot sa na letra, numero at simbolo. Samantala sa RAT naman ay  kayang komonekta ng Hacker sa inyong computer system  na hindi ninyo nalalaman. Paano makakaiwas? Siguraduhin na laging updated ang inyong antivirus software. Maaari rin na mag-install ng keyscrambler na iniiba-iba ang inyong keystrokes log. Kapag napasok ng Trojans ang tanging paraan lamang ay i-format ang system, ibig sabihin buburahin mo ang lahat ng records at data na nasa inyong computer o cellphone.
  1. Session Hijacking. Ito ay paghack gamit ang wireless networks o ang mismong internet. May kakayahan ang mga hackers na kontrolin ang inyong internet data transfer. Naranasan niyo na ba na mapunta sa ibang website gayon na gmail o facebook naman ang url na inyong tinaype? Kung oo, agad na i-close ang website at magdisconnect muna sa internet. Maigi rin kung i-hihide sa inyong internet setting ang SSID o ang BSSID  network, upang maiwasan na matrack ka ng hackers.

 

Narito ang iba pang paraan ang maprotektahan ang inyong online bank accounts.

 

  1. Protektahan ang inyong password o PIN, tiyakin na walang makakakita sa tuwing magtatype kayo, Maari rin na mag-install ng password manager gaya ng  Pro”Dashlane 4″, “LastPass 4.0 Premium”, “Sticky Password Premium”, at  “LogMeOnce Ultimate”, upang manonitor ang inyong login details, kung kailan at kung may nagtangka ba na hulaan ang inyong passcode. Ikunsidera rin ang pagpapalit ng passcode ilang beses kada taon.
  2. Huwag magbubukas ng email scams o spams, gaya halimbawa ng makakatanggap ka ng notification na nahack ang inyong bank account at kailangang iverify ang inyong impormasyon. Kapag nakatanggap nito huwag buksan ang link sa halip ay tumawag o pumunta sa bangko upang makasigurado sa seguridad ng account.
  3. Kung ichecheck ang account huwag gumamit ng public Wifi. Magduda lalo na sa mga wifi na walang password.
  4. Iverify ang web address. Tiyakin na nasa original na online banking system, icheck ang URL kung ito ba ay tama. Isa sa mga tips upang malaman na nasa original website ay “https” ang simula ng URL at hindi “http”, isang letra man ang pinagkaiba, malaking isyung seguridad naman ang nakasalalay.
  5. Maglagay ng passcode sa inyong phone o computer. Paano na lamang kung nanakaw o hindi kaya ay may nangiilam ng inyong cellphone? Ang paglalagay ng code sa mismong telepono ay unang hakbang upang pangalagaan ang inyong seguridad.
  6. Madalas na icheck ang inyong account, maigi kung ilang beses sa isang Linggo.
  7. Mag-logout sa account kapag tapos ng gamitin ito.
  8. Mag-install ng anti-virus at tiyakin na lagi itong updated.
  9. Huwag bumisita sa mga kahina-hinalang websites.
  10. Huwag magdownload ng kahina-hinalang files.

Maiigi rin na magkaroon ng multiple bank accounts sa iba’t ibang bangko. Kapag malaki na ang ipon, ihiwalay ito sa iba’t ibang bank accounts. Tandaan na mainit sa mata ng mga hackers ang malaking pera, maari na maging target ka kung alam nila na malaki ang kanilang makukuha.

Ikonsidera rin ang pagkakaroon ng ibang paraan ng  investments, hindi lamang sa pera, mag-invest rin sa lupa, bumili ng ari-arian o hindi kaya ay mag-invest sa stocks.