PINAS

Robin Padilla hirap na hirap sa ABS-CBN

 

Ni: Beth Gelena

AYON kay Robin Padilla, hirap na hirap ang buhay niya sa ABS-CBN.

May teleserye si Robin sa Kapamilya Network na kasama sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, ang Sana Dalawa Ang Puso.

“Hirap na hirap ako sa buhay ko sa ABS-CBN! Oo, totoo!”

Nu’ng time na tinawagan siya ng ABS CBN para sa isang proyekto with Jodi Sta. Maria ay may sinushoot ring movie si Robin with Sharon Cuneta. Sa Sana Dalawa Ang Puso nagpapayat daw siya kasi maliit si Jodi na ginawa raw naman niya.

Sa kanila naman ng Ma’m Sharon niya kailangan daw mag-gain siya ng weight.

“Pinaglalaruan nila ang katawan ko! Taba-payat-taba-payat, e, hindi naman na ako bata!” natatawang reklamo ni Binoe.