PINAS

Sharon at Gabby nagkasundo na, KC Concepcion tuwang-tuwa 

Ni: Beth Gelena

UNTI-UNTI na muling nagpaparamdam si KC Concepcion sa showbiz after ng ilang years nya ring pananahimik.

Kamakailan lang ay nag-share siya sa kanyang social media account ng sweet photos kasama ang kanyang boyfriend na isang football player. Matagal na rin namang magkasintahan ang dalawa.

This time, natutuwa siya dahil nagkakasundo na ang kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Nakita niya na pina-follow ni Gabby si Sharon sa Instagram na in-accept naman ng Megastar.